P25K multa sa nagbabalot ng handa... Anti-Sharon Law, itutuloy na

by BRT @News | November 22, 2026

Photo: P25K multa sa nagbabalot ng handa / Anti-Sharon Law - File
Gustong gawing totoong batas ng ilang netizen ang nag-viral na “Anti-Sharon Law,” na naglalayong pigilan ang sobrang pagbabalot at pag-uuwi ng pagkain mula sa mga handaan.
Kumalat sa social media ang pekeng Republic Act No. 14344 na nagpapataw umano ng multang P5,000 hanggang P25,000 sa mga bisitang labis mag-uwi ng pagkain nang walang pahintulot.
Kabilang sa mga posibleng dahilan ng pagsuporta rito ang pagprotekta sa mga naghahanda na limitado ang budget, pagtiyak na may sapat na pagkain ang lahat ng bisita, at pagpigil sa mga taong inuuna ang pagbabalot kaysa sa mga hindi pa nakakakain.
Hango ang katawagang “Sharon” sa awitin ni Sharon Cuneta na Bituing Walang Ningning, na may linyang “Balutin mo ako.”
Gayunman, biro lamang ang kumakalat na batas at wala pang opisyal na panukala tungkol dito sa Kongreso.





Comments