Sa US daw bibili ng pagkain, langis... 'Pinas, lagot 'pag 'di tumupad sa pramis — Trump

ni Mylene Alfonso @News | November 22, 2026

Photo: PCO
Nagbabala si US President Donald Trump na maaaring magkaproblema ang Pilipinas kung hindi nito tutuparin ang umano’y pangakong sa Amerika lamang bibili ng mga inaangkat na produktong agrikultural at enerhiya simula Enero 1, 2027.
“So they're going to buy 100 percent of their agricultural products from the United States of America. And if they don't, then they have problems,” ani Trump.
Iginiit din niyang Amerika ang maaasahan ng Pilipinas sakaling magkaroon ng komprontasyon sa China.
Gayunman, nauna nang nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-uusapan pa ang mga detalye ng kasunduan upang makakuha ng mas murang pagkain at enerhiya para sa bansa.





Comments