top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mensahe sa ex, Kim... “Dapat masaya kayo para sa isa't isa” — XIAN

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | May 11, 2024




Usap-usapan ngayon ang naging sagot ng aktor na si Xian Lim sa guesting niya sa show ni Dingdong Dantes na Family Feud Philippines kahapon, Biyernes.


Naitanong kasi ni Dingdong sa palabas kung ano raw ang itatanong ng mga contestants sa kanilang mga ex partners kung makakasalubong nila ang mga ito, na sinagot naman ni Xian.


Sey ni Xian, "'Pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na... ‘‘I hope you do find the happiness that you're looking for."

"Gan'un lang, dapat masaya, 'di ba? Dapat masaya kayo para sa isa't isa. ‘Yun siya, ‘di ba?"


Hindi naman nakaligtas sa mata ng mga netizens ang tila defensive na sagot ng aktor lalo pa't fresh pa ang hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu at isa pa, tanong daw ang hinihinging kasagutan sa question na ibinato ni Dingdong, kaya bakit nga naman may pa-message?!


Hirit tuloy ng madla kay Xian, mukha raw may pinaghuhugutan ang aktor sa naging kasagutan at 'wag daw itong masyadong obvious.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page