top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Menor-de-edad na anak, na-bully daw… REKLAMO NINA ALFRED VS. ROB SY, IBINASURA NG KORTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 28, 2026



FRANKLY - REKLAMO NINA ALFRED VS. ROB SY, IBINASURA NG KORTE-IG _alfredvargasofficial & _robsy.ph

Photo: IG _alfredvargasofficial & _robsy.ph



Ibinasura ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamo ng aktor-pulitiko na si Alfred Vargas laban sa kapwa-aktor na si Rob Sy.


Matatandaang nitong nakaraang Abril ay naghain ng criminal complaints ang aktor-konsehal at ang kanyang misis na si Yasmine Vargas laban kay Rob dahil umano sa pambu-bully ng menor-de-edad na anak nito sa kanilang anak.


Sa sinumpaang salaysay ng mag-asawang Vargas, tinukoy nila ang mga insidenteng umano’y naganap sa swimming school na pinapasukan ng kanilang mga anak.


Ayon sa 10-pahinang resolusyon ng piskalya, walang sapat na ebidensiya o prima facie case na may pananagutan si Rob at ang misis nito sa insidente.


Naglabas na ng official statement si Rob tungkol dito at nagpasalamat siya sa Office of the City Prosecutor, gayundin sa mga taong naniwala at sumuporta sa kanila.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Konsehal Alfred Vargas tungkol dito at kung may balak ba siyang mag-file ng appeal, pero nakarating sa amin na maglalabas siya ng official statement soon.





Todo-alala sa gulo sa Senado…

GARY V., NAGPASAKLOLO NA KAY LORD PARA SA MGA SENADOR



HALATANG nababahala at nag-aalala na rin si Gary Valenciano sa sunud-sunod na kontrobersiya sa Senado, gayundin sa mga hindi magagandang kaganapang nangyayari sa bansa.


Kaya naman sa kanyang X (dating Twitter) account ay idinaan na lang niya sa pagdarasal ang kanyang pagkabagabag at mga nais na mangyari.

Nakiusap si Mr. Pure Energy sa Panginoon na sana’y kausapin at gabayan ang ating mga senador upang gawin ang tama.


“Lord, please Lord, speak to every heart of those in the Senate. Speak in a way that they have never experienced before. Give them the courage and direction to simply do what is right in Your eyes,” panalangin ni Gary.


Dagdag pa niya, “We have such a broken country. Lord, have mercy on us… please.”

Noon pa man ay kilala nang madasalin si Gary at ang kanyang pamilya, at subok na ang kanyang matibay na pananampalataya sa Panginoon. Madalas din siyang magbahagi ng posts tungkol sa teachings ni Lord at iba pang mga religious matters.





Ibinuking ng doktor…

HEART, NAGPAGAWA NG LIPS



SUMAILALIM si Heart Evangelista sa isang lip procedure kamakailan.

Makikita sa Instagram (IG) account ng celebrity doctor na si Aivee Teo ang ‘Strawberry Lip Booster’ procedure na isinagawa niya sa fashion icon.


Ang naturang enhancement ay para umano mapanatiling strawberry-colored ang lips na tila naka-natural lipstick.


“Started the day with @iamhearte trying something new — the Strawberry Lip Booster, followed by her second session of the Aivee 2-Min MagicLift,” caption ng skin care specialist.

Sagot ni Heart, “Hahaha! It’s nice! My lips are so hydrated.”


Pinuri naman ng mga netizens ang classy at eleganteng beauty ni Heart Evangelista kahit walang make-up.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page