Megastar, nagsalita na… BARBIE, BINA-BASH DAHIL SA PANG-IISNAB DAW KAY SHARON
- BULGAR
- Jun 26, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 26, 2023

Si Sharon Cuneta na mismo ang nagklaro na walang issue sa pagitan nila ni Barbie Imperial at walang katotohanan ang kumakalat na balita na inisnab siya nito.
Sa Instagram post ni Barbie na larawan niya with Angelica Panganiban with Baby Bean, makikita sa comment section ang pagri-reach out ni Sharon.
Ayon sa Megastar ay nakarating sa kanya na nakakatanggap daw ngayon ng pamba-bash si Barbie for allegedly snubbing her at humingi ng dispensa sa batang aktres.
“Hi, Barbie! A friend of mine just told me today that you have been getting some flak for supposedly snubbing me? I am so, so sorry you have to go through this,” simula ng mensahe ni Sharon kay Barbie.
Nilinaw ni Mega na never pa raw silang nagkita nang personal, kaya hindi niya alam kung saan galing ang isyung inisnab siya ni Barbie.
“I haven’t even seen you in person as far as I can remember! You have done nothing wrong. I hope to meet you someday! Please be strong and remember I have no idea where this issue came from either!
“God bless you and I hope you don’t mind my posting this on your comments. Take care!” ani Sharon.
Sumagot naman si Barbie at nagpasalamat kay Sharon.
“Thank you, Ms. Sharon!!!” sagot ni Barbie.
Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang Instagram Story ang pahayag ni Sharon at nag-caption ng “KILIG!” with emojis.
Sa IG Story naman ni Sharon ay ini-reshare rin niya ang ipinadala niyang message for Barbie and wrote, “I hope it clears us that issue.”





Comments