top of page
Search
  • BULGAR

Mega talaga, ha?! P18.5K TIKET SA CONCERT NINA SHARON AT GABBY

ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2023



Ang Insular Life pala ang producer ng Dear Heart reunion concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na gagawin sa SM MOA Arena sa October 27, 2023, kaya pala ‘yung pinakamahal na tiket na SVP ay nakapangalan sa InLife Dear Heart.


Siguradong unang maso-soldout ang section na ito kahit pinakamahal ang tiket at P18,500.


Palakpakan sa nakaisip na ang seating area sa MOA Arena ay ipangalan sa title ng mga pelikulang nagawa nina Gabby at Sharon. Kaya ang VIP (P14,500) ay tinawag na P.S. I Love You at ang Lower Box A (P7,500) ay Bingo Plus My Only Love. Ang Lower Box B (P5,500) ay tinawag na Tayong Dalawa, ang Upper Box (P2,500) ay Una Kang Naging Akin, at ang General Admission (P1,200) ay tinawag na Bakit Ikaw Pa Rin.


Sa poster ng concert, makikitang una ang pangalan ni Gabby kay Sharon at may mga fans si Sharon na nag-comment. Bago pa gawing isyu, may nag-comment na sa ticket ng concert, pangalan naman ni Sharon ang nauna, kaya ang paniwala ng mga fans, ‘yun ang napagkasunduan ng dalawang kampo.


May mga fans naman na nakiusap na ‘wag nang gawing isyu ang tungkol sa billing at maging masaya na lang ang mga fans na finally, matutuloy na ang pagsasama nina Sharon at Gabby.


Umaasa ang mga ShaGab fans na isunod naman ng dalawa ang paggawa ng pelikula na matagal na nilang inire-request at sana, mapagbigyan na.


Hindi pa nababanggit kung sino ang director ng concert at tungkol sa guest, kahit wala o kung magkakaroon man ng guest, ang request ng mga fans ay si KC Concepcion ang maging guest para lubus-lubos na raw ang saya ng mga ShaGab fans.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page