Meeting sa homeowners association
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 6, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay member in good standing ng aming homeowners’ association, subalit palagi akong hindi nakatatanggap ng invitation para sa pag-attend ng mga meeting ng nasabing asosasyon. Maaari ko ba silang kwestiyunin tungkol dito? - Allan
Dear Allan,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 7 (e) ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations”, kung saan nakasaad na:
“Section 7. Rights of a Member. - An association member has full rights:
x x x
(e) to participate in association meetings, elections and referenda, as long as his/her bona fide membership subsists; and” (Binigyang-diin)
Ayon sa batas, ang isang bona fide member ng homeowners’ association ay may karapatan na lumahok sa lahat ng meeting, eleksyon at mga referenda ng kanilang asosasyon. Ibig sabihin, bilang member in good standing ng inyong asosasyon ay maaari mong kwestiyunin ang hindi pag-imbita sa iyo sa mga meeting ng inyong asosasyon dahil pinipigil nito ang paggamit ng iyong karapatan na itinatakda ng batas bilang homeowner.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments