Suko na kay David… JAMESON, BAGONG BET NG NETIZENS PARA KAY BARBIE
- BULGAR

- May 13, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 13, 2025
Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - IG
Ipinadala na nina Alden Richards at ng Myriad Corporation ang finisher’s medals ng mga nakatapos ng 3K, 5K, 10K, at 16K sa ginanap na Lights, Camera, Run! charity fun run. Na-bash si Alden dahil hindi nakaabot ang medals na in fairness, sa simula pa lang ng event, ipinaalam niya na hindi aabot ang medals.
Inulit nito ang pag-so-sorry after the race at nangakong within the day, matatanggap nila ang medals. May runners at winners na hindi yata narinig ang announcement ni Alden, nagalit ang mga ito at sa sobrang galit ng iba, minura pa ang aktor.
Tanong tuloy ng fans ni Alden, tumakbo lang ba ang iba para sa medals? Hindi na nila naisip na sa kanilang ginawa ay nakatulong sila sa manggagawa ng pelikulang Pilipino na members ng Mowelfund. Mas malaking bagay ‘yun kesa medals na hindi nila agad natanggap.
Sa galit pa nga ng iba, sabi, hindi na sila sasali sa race event na i-o-organize ni Alden at ng team nito. May December fun run na i-schedule sina Alden and this time, wala na sigurong magiging aberya.
Anyway, natanggap na ng winners ang kanilang medals na ipinadala sa Lalamove at may mga nag-post na sa social media. Ang karamihan naman, naintindihan ang nangyari, kaya makikitakbo uli sila sa December.
Samantala, ang dami palang sumali sa nasabing charity fun run at sa mga video, makikitang nag-enjoy sila. Lalo na ang fans na sumabay makitakbo sa mga favorite stars nila gaya nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Si Julia Montes, hindi lang tumakbo, may stall din siya dahil nagbenta ng mga foods, para sa mga nagutom na runners. Ang iba naman, nag-enjoy kumuha ng photos ng mga celebrities.
Hindi si David… BARBIE, SI JAMESON ANG KASAMA SA CHARITY RUN
Tila suko na ang ilang mga fans sa pagsi-ship kina Barbie Forteza at David Licauco dahil ang feeling nila, hindi umaabante ang pagsi-ship nila. Kaya kay Jameson Blake naman isini-ship ng fans si Barbie. Nakita ng mga fans na may chemistry ang dalawa nang tumakbo sa Lights, Camera, Run! noong Linggo at napansin din ang kanilang closeness, may mga kinilig, kaya ayun, sila na ang isini-ship.
Nagkakilala sina Barbie at Jameson dahil magkasama sila sa Netflix film na Kontrabida Academy (KA), na tampok din si Eugene Domingo. Kaya nang magkita sa charity fun run, sila ang laging magkausap, may time na sabay pa silang tumakbo ng 16K.
Pati sa stage kung saan in-acknowledge ang finishers sa 16K run, magkatabi rin sina Barbie at Jameson at may video na bago umalis sa venue ang aktor, nagpaalam muna siya kay Barbie.
Ini-like ni Barbie ang post ni Jameson sa charity fun run at pati photos nilang dalawa, nasa Instagram (IG) din ng aktor, rason para may mga kiligin. Bagay raw silang dalawa at may mga nagbiro kay Jameson na ligawan na niya si Barbie.
May nagbiro pa na ang tapang ni Jameson na i-post ang photos nila ni Barbie, hindi raw siya natakot ma-bash ng BarDa fans na very protective sa kanilang love team. May fan naman na kunwari nagsumbong kay David Licauco, pero katuwaan lang.
May nag-comment naman na parang nagpa-fan service na sina Barbie at Jameson para sa KA, pero matagal pa raw ito. Basta walang makakapigil sa kilig ng mga fans ng dalawa na tinawag ang mga sarili na BarJa shippers.
Samantala, nasa South Korea ngayon si Barbie sa taping ng Beauty Empire (BE) kasama si Kyline Alcantara. Marami raw silang eksenang kukunan doon, but for sure, malalaman ni Barbie na may mga fans na kinikilig sa kanila ni Jameson.
Imbitado si John Rendez, Lotlot… NORANIANS, ISE-CELEBRATE ANG B-DAY NI NORA SA MAY 21
BINATI ni John Rendez noong Mother’s Day si Superstar Nora Aunor sa kanyang Facebook (FB), kaya lang, dinelete yata kaya hindi na namin nakita. Ang nakita namin ay ang post niya ng magazine covers nila ni Guy, old magazines na ibig sabihin, itinabi ni John o baka si Guy ang nagtabi.
Nabasa rin namin ang post na bale panawagan niya sa kanyang mga bashers na hanggang ngayon, pinupuntirya pa rin pala siya.
“Mga Ate, Minsan nahahalata na ang mga sungay po ninyo. Konting RCGM ako po etong nawalan ng lahat. Hindi ako user. Hindi ako sipsip. Mahal talaga ako ng Diyos. Mahal ako ng Ate Guy ko.
“Hindi ako kumikita sa pagpapapansin sa inyo kung sino po kayong mga bashers ko. That's not Holy. That's not Godlike, konting respeto lang,” pakiusap ni John.
Birthday pala ni Guy sa May 21, at parang may nabasa kaming ise-celebrate ng Noranians ang birthday ng superstar at imbitado nila si John.










Comments