McDo, ipinaboboykot ng DDS… VICE: LAHAT KAYO, ILILIBRE KO!
- BULGAR

- Aug 19
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 19, 2025

Photo: Vice Ganda - IG
Si Heart Evangelista ang bagong endorser ng isang food chain at pinalitan umano niya si Vice Ganda.
Tanong ng mga netizens, “Kinakain ba ni Heart ang ine-endorse n’ya?”
Komento naman ng ilan, “Damage control!!!! From a GAMBLING ICON Vice Tanda to a FASHION ICON Heart Evangelista real quick! Excellent choice!”
May nagsabi rin na, “Wala namang issue rito. Lagi sila nagpapalit ng endorser lalo ‘pag tapos na ang kontrata. Kung wala na si Vice, ibig sabihin, paso na ang kontrata. Hindi naman siguro t*nga ang management ng food chain para i-revoke agad ang kontrata dahil sa issue. Hayyy! Isip-isip din.”
Sey pa ng isa, “Of course not, may kontrata ‘yan sila. At kung talagang naapektuhan ang management sa panawagan (boykot) ng DDS (diehard Duterte supporters), dapat naglabas na sila ng statement. Besides, magkaiba ang putahe na ine-endorse nila. Huwag na silang intrigahin.”
Ani pa ng iba, “Endorser pa rin nila si Vice. Malaki na ang naipasok n’yang pera sa food chain na ‘yan!”
Huwag na raw intrigahin ang dalawang food chain endorsers, lalo na si Meme Vice, dahil hanggang ngayon ay ine-endorse pa rin niya ang nasabing brand.
Katunayan, nang magbalik siya sa It’s Showtime (IS) last Saturday matapos ang successful concert nila ni Regine Velasquez ay tuwang-tuwa niyang
pinasalamatan ang audience, sabay sabing “Lahat kayo ay ililibre ko ng McDo!”
Bongga!
Piktyur nila, ifinlex sa IG…
BAGONG LABS NI CARLA, MALAKING TAO
May bagong post si Carla Abellana sa kanyang Instagram (IG) account pero hindi ang kanyang face kundi dalawang pares ng paa ang makikita – ‘yung kanya at sa isang guy na naka-rubber shoes.
Naging usap-usapan sa social media ang posted photos ng Kapuso actress. Ang caption na inilagay ni Carla ay tatlong purple heart emojis lang.
Agad itong nakakuha ng atensiyon mula sa kanyang mga fans at in-assume nila na baka pahiwatig ng aktres na may bago na uli siyang napupusuan.
Kinumpirma kasi ni Carla sa isang panayam sa sidelines ng GMA Gala 2025 na may muling nanliligaw sa kanya. Kaya na-curious ang kanyang mga fans sa misteryosong larawan.
Komento ng mga netizens, “‘Yan na! Big guy, huh? Sana malaki rin ang puso n’ya.”
“Deserve mo, mumshie sa bawat antas.”
“Ang ibig sabihin ng mga lilang (purple) puso, hinahangaan mo s’ya.”
“Masaya para sa ‘yo, Carla.”
“Deserve mo maging masaya.”
“He’s one lucky guy.”
“Aray ko!!! Finally!!”
"Taga-F1 ba ‘yan, Ms. Carla?”
“Face reveal, Carla!”
Si Bea Alonzo naman ay napa-“Awww!” sa tuwa.








Comments