30-anyos na, feeling-bagets pa rin… OOTD NI BARBIE, SABLAY, KAILANGAN NG STYLIST
- BULGAR

- 4 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 10, 2026

Photo: IG _barbaraforteza
Bagama’t wala pang pormal na announcement ang GMA Network sa pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa isang serye, flattered si Barbie Forteza sakaling matuloy ang proyekto niya with the Megastar. Malaking karangalan para kay Barbie ang makatrabaho ang isang Sharon Cuneta na iniidolo ng lahat at marami siyang puwedeng matutunan kay Mega.
Kakaibang experience para kay Barbie ang makasama ang Megastar ng showbiz. Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataon na makasama sa isang proyekto ang icon na tulad ni Sharon. Ngayon pa lamang ay excited na si Barbie sa pagkikita nila.
Samantala, may advice naman ang mga fans kay Barbie. Sana raw ay i-request niya sa GMA-7 na bigyan siya ng isang magaling na stylist na mangangalaga sa kanyang outfit. Thirty years old na si Barbie pero minsan, pang-teeny bopper pa rin ang kanyang mga isinusuot na damit. Kailangan na babagay sa kanyang edad ang kanyang mga outfits upang lumutang ang natural niyang ganda.
Itinanggi ng kampo ng Primetime Queen na si Marian Rivera ang balitang lilipat siya sa ibang network at iiwanan na ang GMA-7.
Ilang beses na rin itong naging blind item sa mga tabloids. Gusto raw ma-experience ng aktres na makatrabaho ang mga aktor sa ibang network, pero walang malinaw na senaryo at negosasyon.
Maaaring inakala lang ng marami na lilipat na si Marian dahil may movie sila ni Dingdong Dantes para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 na ang mga producers ay Star Cinema, APT Productions at Agosto Dos Production.
Ayon sa malalapit na kaibigan ni Marian ay hindi nito gagawin ang basta na lang iwan ang GMA Network na nagpasikat sa kanya nang husto. Binigyan siya ng magagandang proyekto tulad ng Marimar, Dyesebel, Darna, My Beloved (MB), atbp.. Sa GMA rin sila nagkakilala ng mister niyang si Dingdong Dantes.
Tinangkilik ng mga viewers ang mga shows na kanilang pinagtambalan. Sila ang binansagang Primetime Queen at King ng Kapuso Network.
Dagdag pa rito, walang plano si Marian Rivera na mag-full-time sa paggawa ng serye ngayon. Prayoridad pa rin niya ang pag-aalaga sa dalawa nilang anak ni Dingdong na sina Zia at Sixto.
IKINATUTUWA ng mga fans ni Dennis Trillo ang balitang may gagawin siyang movie na ipapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Ang direktor niya ay si Zig Dulay na siyang direktor din ng blockbuster at award-winning movie na Green Bones (GB).
Maganda ang tandem nina Dennis Trillo at Direk Zig Dulay sa pelikula. Tiyak na maganda ang istorya at panlaban na naman ito ng aktor sa MMFF 2026.
Wala pang ibinibigay na detalye sa movie project at wala pa rin itong titulo at cast na bubuo sa pelikula, pero tiyak na paghahandaan ito nang husto ni Dennis.
Alam niyang mataas ang expectation ng publiko sa bawat pelikulang kanyang ginagawa.
Malaki ang tiwala ng GMA Pictures sa kakayahan ni Dennis Trillo. Isa siya sa mga pambatong aktor ng Kapuso Network.
MAGANDANG balita para sa marami ang pagkakadagdag ni Mark Herras sa cast ng seryeng Firewall. At least, magkakaroon na siya ng regular na serye at kikita na nang maayos para buhayin ang kanyang pamilya.
Makakaiwas na si Mark na madawit sa mga isyu at iskandalo. Nabigyan na siya ng pagkakataon na maisalba ang kanyang showbiz career, thanks to GMA Network. Kaya maging ang mga kasabayan niya sa StarStruck 1 ay masaya sa magagandang oportunidad na dumating sa kanyang buhay ngayon. Wish nilang magtuluy-tuloy na ang blessings ni Mark.
May guest role rin si Mark Herras sa action series na Never Say Die (NSD) na pinagbibidahan nina David Licauco at Jillian Ward.
Bukod sa seryosong pag-arte, magaling ding sumayaw si Mark Herras kaya binansagang “Bad Boy of the Dance Floor”.




Comments