Mga Pinoy, hirap na hirap na sa krisis… BIANCA: PRESYO NG LUXURY ITEMS NG MGA CELEBS, ‘WAG NANG I-POST SA SOCMED
- BULGAR

- Apr 10
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 10, 2026

Photo: File / IG _iamsuperbianca
Sa gitna ng hirap ng buhay at sunud-sunod na taas-presyo, hindi pinalampas ng aktres at host ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Bianca Gonzalez ang mga celebrities na todo-flex ng marangyang lifestyle sa social media.
Sey ni Bianca, “Sa mga media platforms featuring luxury items ng mga celebs, ‘wag na muna sanang isama sa feature ‘yung presyo ng mga ito.
“Malamang ay pinag-ipunan nila ito, oo, pero sa ekonomiyang ‘to, sa taas ng presyo ng gas at bilihin, sa nangyayari sa mundo, sa hirap na pinagdadaanan ng mga kababayan natin, ‘di ito ang panahon para detalyehin pa at ibida ang mga ganitong bagay.
“Hindi naaayon. Salamat.”
Well, may katwiran ang katwiran ni Bianca Gonzalez, ‘di ba naman, madlang people?
Respeto raw sa kaibigan…
MAX, BUMUSINA KAY MARIAN SA MGA TIKIMAN NILA NI DINGDONG
Ibinulgar ng aktres na si Max Collins nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na kinausap niya ang loving wife ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera tungkol sa pagtatambal nila ng aktor sa seryeng The Master Cutter (TMC).
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa teleserye na pagtatambalan nila ni Dingdong.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “You are the leading lady of Dingdong Dantes? May mga napanood na kaming mga trailer, but what is Master Cutter about?”
Saad ni Max, “The Master Cutter, it’s about a very skilled, handsome man who is always undercover and takes him into dark and dangerous places with crime.
“But at the same time, you’ll see that there is a lot of love. It’s about bringing him back to his loved ones and things like that, so you’ll find out later on.
“And we filmed on an island also, kaya malapit sa puso ko ‘tong show na ‘to kasi island girl ako sa show, and it’s very close to home for me, and du’n kami nag-meet ng character ni Dingdong.”
Tanong ni Boy, “Du’n sa dalawang trailer na aming napanood ay medyo sexy ‘yung appearance and I was told by someone that you have a love scene in this material, is there?”
Saad ni Max habang nakangiti, “I don’t know yet, maybe. I mean maybe, parang that’s to be expected in an action show. It’s something you just have to wait and see in May.”
Hirit na tanong ni Boy, “Sa mga pagkakataong ganito, bumubusina ka, halimbawa kay Marian Rivera?”
Saad ni Max, “I do. I actually talked to her a lot. I got her support. Kasi nagtrabaho kami before together sa My Guardian Alien, so we became friends.
“And then now with this new show, I already talked to her even before we started.
“I love her, I respect her. I spoke to her about this. We talked about the show, and she is very supportive.
“Every time I post something, I always message her and ask. I make paalam out of respect. So we have a very good relationship, and our kids all met.
“We have Christmas before kasi Dingdong and I have the same management, PPL Entertainment also.”
So, pak na pak ka d’yan, Max Collins, as in tumpak ang respeto na ibinibigay mo kay beautiful Marian Rivera.
LUMABAS na ang opisyal na poster ng mystery horror drama film na Poon (The Hallowed), kasabay ng world premiere nito sa 48th Moscow International Film Festival (MIFF) sa Russia mula April 16–28.
Pinagbibidahan ito ng mga award-winning actors na sina Ronaldo Valdez (RIP) at Jaclyn Jose (RIP) sa kanilang huling pagganap sa pelikula, kasama sina Gina Pareño, Janice de Belen, Lotlot de Leon, Allen Dizon, Ara Mina, JC de Vera, Martin del Rosario, Bembol Roco, at Elora Españo.
Kasama rin sina Kelvin Miranda, Althea Ablan, Joao Constancia, Nella Dizon, at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) former housemate na si Will Ashley.
Written by Jerry Gracio and directed by Adolfo Alix, Jr., kasama rin dito si Dennis Evangelista bilang line producer.
Ipinrodyus ito ng mahusay na aktres na si Kristel Moreno ng C-Frame Production at partner niya na Banana Entertainment.
Isa sa pinakamagagandang mystery horror movies ang Poon na ipapalabas sa international film festival sa Russia mula April 16-28.
Ang Poon ay tungkol sa misteryosong pagkamatay ng isang patriyarka ng pamilya sa panahon ng Semana Santa na nagpilit sa tatlong magkakahiwalay na apo niyang babae, at isang mapanumbat na tagapag-alaga na muling magsama-sama sa kanilang lumang tahanan.
Habang sumasabog ang matagal nang galit at hinanakit sa isa’t isa, nagsisimula namang manakot ang isang mapaghiganting supernatural na nilalang.
Nakaugnay sa isang nakakatakot na rebultong panrelihiyon na tinatawag na ‘ika-13 Apostol’, tina-target ng nilalang ang pinakabatang apo sa tuhod na si Faye, gamit siya bilang sisidlan upang ilantad ang pinakamadilim na lihim ng pamilya.
Sa makapangyarihang mystery horror drama na ito, kailangang tuklasin ng pamilya ang katotohanan sa likod ng kahina-hinalang pagkamatay upang harapin ang nakakatakot nilang nakaraan.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments