top of page

MC at Lassy, magpakatotoo raw… CRISTY: VICE, NAPAPALIBUTAN NG MGA AHAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 13, 2025



Photo: Vice Ganda at Cristy Fermin


Sinasabi na nga bang hindi palalampasin ng veteran writer-TV host na si Cristy Fermin ang mga patutsada ni Vice Ganda sa kanya.


Inokray-okray kasi ng It’s Showtime (IS) si ‘Nay Cristy sa katatapos lamang na concert nito na Super Divas (SD) with Regine Velasquez na ginanap sa Araneta Coliseum.


Sa isang bahagi ng concert ay nilapitan ni Vice Ganda ang magkaibigang Lassy Marquez at MC Muah na nasa audience at hirit niya sa dalawa, “So you made it. Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila, magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yung narrative. Mawawalan sila ng content.”


Tawa naman nang tawa sina MC at Lassy sa patutsada ni Vice kay ‘Nay Cristy.

Last Monday, sa live episode ng Cristy Ferminute (CF) ay sinagot ni ‘Nay Cristy ang mga pasaring ni Vice.


Aniya ay hindi sila nag-iimbento ng balita at iginiit na mayroon silang batayan sa mga sinabi nila tungkol sa issue ng tatlong magkakaibigan.


“Ano’ng content? Ano? Inimbento namin ‘yung kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” mariing wika ni ‘Nay Cristy.

“Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin,” sey pa ng batikang manunulat.


“Lassy, MC, lalo ka na, MC, maano ngang magpakatotoo ka! Ano ba ang sinabi mo kay Vice? Ano’ng malay namin sa nangyari sa Palawan?


“Ano’ng alam namin sa Showtime? Ano’ng alam namin sa pagkakaibigan n’yo?” depensa pa niya.


Hirit pa ni ‘Nay Cristy kay Vice Ganda, “Mag-reality check ka, Vice. Nasa palibot mo lang ang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo. Puwede ba, magtigil nga kayo? Magpakatotoo nga kayo!”


Ang isyung pinag-uusapan dito ay nagsimula sa vlog ni Vice noong Mayo kung saan ay kinompronta ni Vice si MC sa harap ng mga kaibigan at sinabihang hindi ito marunong makisama.


Awang-awa si ‘Nay Cristy kay MC kaya naman nagbigay siya ng kanyang reaksiyon tungkol dito sa kanyang mga shows.


“Masyado akong naapektuhan para kay MC, ‘yung pagluha n’ya, ‘yung paghagulgol n’ya,” saad ni ‘Nay Cristy.



IN fairness, malaki ang posibilidad na makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia sa April 2026. Ngayon pa lang kasi’y puspusan na ang ginagawang paghahanda ng binata para sa international competition.


“I’m conditioning my mind, preparing myself mentally, inspiring myself, I’m working out more,” sey ng binata nang makatsikahan namin sa sashing ceremony na ginanap kamakailan.


Vanderlei is only 17 years old, stands 5’10” in height at may dugong showbiz din dahil pinsan niya ang magkapatid na singers na sina Rannie and Lance Raymundo.

Si Lance ang nagsilbing host sa nasabing sashing ceremony and all-out ang kanyang support para sa kanyang pinsan.


Bukod kay Lance ay full-support din of course ang mga magulang ni Vanderlei na sina Dennis at Charlene Zamora, gayundin si National Director Charlotte Dianco at ang buong Spring Fairy Entertainment Productions.


Nasa Grade 12 pa lang ngayon si Vanderlei at plano niyang kumuha ng Theater Arts sa kolehiyo dahil pangarap niyang maging full-fledged actor.

Pero sa ngayon ay naka-focus siya sa pageant at gagawin daw niya ang lahat ng makakaya para maiuwi ang titulo.


“The main goal is to win, it’s a dream come true kapag nangyari ‘yan. A part of that main goal is to enjoy the moment, be the best it can be and also to discover myself. Because apart from the pageantry, I will learn a lot of things like ethics, understanding people,” saad ng binata na ang advocacy ay mental health awareness.


Hindi pa man nananalo ay nakaka-proud na si Vanderlei dahil first pageant niya itong sinalihan at sa international competition na agad siya lalaban.


“This is my first pageant. I wanted to join because personally, I love challenges. I like challenging myself, I like developing, trying new things,” aniya.


Dumalo rin sa nasabing sashing ceremony sina Miss Teen Universe Philippines 2025 Chiara Mae Vizcaya Gottschalk, Miss Teen Earth Philippines Meridith Bobadilla at si Miss Teen Model International 2024 2nd Runner Up Dharella Anne Alconcel para magbigay ng suporta at encouragement kay Vanderlei.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page