Mbappe, itatala ang pangalan sa Football World Cup Final
- BULGAR
- Dec 18, 2022
- 2 min read
ni MC - @Sports | December 18, 2022

Pinakabatang player sa mundo si Kylian Mbappe sakaling masungkit ang titulo sa World Cup mula nang maabot ito ni Pele sa edad na 21.
Si Mbappe, na sasampa sa edad 24, dalawang araw matapos ang final, ang joint leading scorer na may five goals sa World Cup at siya rin ang bagong mukha ng football new generation.
Ang huling World Cup kay Lionel Messi at Cristiano Ronaldo ay ang torneong ito sa Qatar tiyak na ipapasa na ang baton ng dalawang manlalaro na dinomina ang sport sa halos dalawang dekada.
Habang si Messi ay may isang pinal na tsansa para makuha ang mailap na World Cup title, umaasa si Mbappe at ang France na umukit ng pangalan sa panahon ng pagdomina ng kanilang bansa at pumasok sa ika-fourth final sa pitong pagtatangka.
Ilang ulit ding tinamaan ng injuries at nahirapan ang porma sa ilang laro, nakikita noon na daranasin din ng France ang dating nangyari noong 2002 at nalaglag sa group stage.
Hindi man nakatutok ang France patungo sa final, pero na-master na nila ang bawat sulok ng laro, ipinamalas ang sigasig at killer instinct kung kinakailangan.
Karamihan ng goals ay mula kay Mbappe, ang pinaka-malupit na player sa mundo at binitbit ang France sa panalo upang maging unang team na mapanatili ang World Cup mula nang kunin ng Brazil noong 1962. "There is a great connection between the team.
We work together but, when you start to come close to the title in this competition you need your main players at their best," ayon kay goalkeeper at captain Hugo Lloris.
Ipinakilala ni Mbappe ang sarili sa global stage noong 2018 nang makasagupa ang Argentina sa last 16 sa Russia, kung saan itinanghal siyang best young player awardee.








Comments