Mayweather, bumisita uli sa 'Pinas; Surfing sa Siargao, bubuhayin
- BULGAR
- Sep 29, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | September 29 , 2022

Dumating nitong Martes ng gabi sa Pilipinas si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr. isang araw matapos ang matagumpay na exhibition game nito sa Japan.
Ayon sa ulat, inimbitahan si Mayweather ng isang health and beauty products na kanyang iniindorso. Sakay ang undefeated US boxer na si Floyd ng kanyang Gulfstream jet at lumapag ito sa private hangar ng dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.
Base sa itinerary ng boksingero, bibisita rin ito sa ilang private resort sa bansa para sa ibang mga events ng kumpanya. Noong Linggo, pinatumba ni Mayweather si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan.
Samantala, inaasahang bubuhay muli sa sigla ng surfing, ekonomiya, turismo at sports scene sa Siargao ang nakatakdang dalawang surfing tournaments.
Gaganapin ang Sol National Surfing Competition at ang International Surfing Cup sa Set. 28 hanggang Oktubre 1 habang ang internasyonal na paligsahan ay gaganapin mula Oktubre 15 hanggang 21.
Huling ginanap ang competitive surfing competitions sa Siargao noong International Surfing Cup ng 2019, ilang buwan bago tumama ang COVID-19 pandemic. Ang Mayor Sol Cup ay magiging feeder sa 2022 World Surfing League international event.
Nakataya ang kabuuang P1.5-M na papremyo sa Sol’s Cup na lalahukan ng may 200 professional surfers mula sa Siargao Island at iba pang bahagi ng bansa. Samantala, 64 na kalalakihan at 40 kababaihang propesyonal na surfers ang nangakong sasali sa internasyonal na torneo sa Oktubre.








Comments