Maysakit pa raw nang lagay na 'yan… KRIS, NASA BAHAY LANG, NAKA-ALAHAS PA RIN
- BULGAR
- Jul 2, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 2, 2022

Nakakaawa ang mga taong puro hatred ang laman ng dibdib, na sa bawat naiisip nila sa kapwa nila ay masama at puro puna, na pati ang pagsusuot ni Kris Aquino ng kuwintas na perlas ay pinuna.
Nabanggit namin ito dahil alam naman ng lahat kung ano ang pinagdaraanan ngayon ng mama nina Joshua at Bimby. Humingi siya ng panalangin na sana, malampasan niya ang lahat para sa dalawa niyang anak, pero heto, marami pa ring taong hindi maganda ang naiisip.
Sana lang, hindi mag-boomerang sa mga bashers na ito ang lahat ng mga komento nila tungkol kay Kris.
Isa ang talent manager na si Manay Lolit Solis sa mga rumesbak sa mga bashers ni Kris.
“Maraming nagre-react du'n sa suot ni Kris Aquino na pearl necklace, Salve.
“Akala ng iba, bakit maysakit na, naka-south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay. Hindi nila alam na may feng shui na nagsabi kay Kris Aquino na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas.
“Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwedeng absorber ng ating katawan.
“Kaya dahil naniniwala dito si Kris, lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw-araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet. Si Kris talaga, believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala.
“Maganda nga na lahat ng sinasabi sa kanya tungkol sa medical procedures o bagay, ginagawa niya at sinusunod.
“Basta all prayers for the Aquino, Kris, Joshua and Bimby. Gagaling sila at magiging healthy dahil marami ang nagmamahal sa kanila. More prayers please #classiclolita.”








Comments