top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mayor Sara, aayaw-ayaw pa kuno, gusto naman talagang maging pangulo

BULGAR
Jul 11, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 11, 2021


KUNG HINDI PA INALOK NI P-DUTERTE AT PDP-LABAN KAY “BONG” GO ANG PRESIDENCY, HINDI PA AAMIN SI MAYOR SARA NA GUSTO PALA NIYANG MAGING PANGULO—Enero 15, 2021 nang mag-umpisang manawagan nang “Run Sara Run” ang mga DDS, PDP-Laban at mga trapo kay presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong pangulo sa halalan 2022, pero maraming beses itong tinanggihan ng mayora.


Akala ng publiko, ayaw talagang tumakbo ni Mayor Sara, pero noong July 7, 2021 nang ialok na nina P-Duterte at PDP-Laban kay Sen. “Bong” Go ang laban sa halalan 2022, biglang nagbago ang isip niya kasi nitong July 9, 2021 ay open na raw siya sa pagtakbong pangulo.


Kung hindi pa inalok ng kanyang tatay at partido nito ang laban sa senador, hindi pa aamin si Mayor Sara, boom!


◘◘◘


HAGALPAKAN SA TAWA ANG NETIZENS SA SINABI NI MAYOR SARA NA OPEN NA SIYA SA PAGTAKBONG PANGULO—Matapos sabihin ni Mayor Sara na open na siya sa pagtakbong pangulo, hagalpakan ng tawa o umulan ng ‘haha reactions’ mula sa netizens sa social media.


At sa mga comment ng netizens, inalaska nila ang presidential daughter na kesyo aayaw-ayaw pa kunwari, ‘yun pala ay gusto rin palang umupo sa trono sa Malacañang bilang pangulo, ha-ha-ha!


◘◘◘


MAS MAUTAK PA SI PACMAN KAYSA SA TROPANG DUTERTE—Dahil sa maraming paglabag na ginawa sa mga alituntunin ng kanilang partido at pagsusulong ng “Duterte-Duterte 2022” (Sara for president at P-Duterte for vice-president) nang walang bendisyon ng buong PDP-Laban ay sinibak ng kampo ni PDP-Laban President, Sen. Manny Pacquiao sa kanilang partido sina PDP-Laban Vice-Chairman Alfonso Cusi, Secretary-General Melvin Matibag at committee member Astra Naik.


Iniismol ng tropang Duterte si Pacquiao na kesyo wala itong pinag-aralan, ‘yun pala ay mas mautak sa kanila si Pacman kasi bago sumapit ang July 17, 2021 — ang araw na napapabalitang dito nila sisipain ang senador bilang party president ay inunahan na silang ipinasibak ni Pacquiao, boom!


◘◘◘


PORKE MAKAKALABAN, BINEBENGGA NA NI P-DUTERTE SI PACMAN SA KASONG P3-B TAX EVASION—Alam ng publiko na may tax evasion case si Pacquiao na ang kaso ay isinampa noong panahon ni yumaong dating Pres. Noynoy Aquino, nasa higit P3-bilyon ito, at alam din ng publiko na sa pagpasok ng administrasyong Duterte ay porke kaalyado at kapartido ang senador ay dinedma lang ni P-Duterte ang isyung ito, pero ngayong gustong tumakbong pangulo at babanggain ang kanyang anak na si Mayor Sara sa presidential election ay inuungkat na ngayon ng pangulo ang kasong ito ni Pacman.


Isa ‘yan sa pagpapatunay na si P-Duterte ay benggador kasi binebengga na niya si Pacman dahil kakalabin sila sa halalan 2022, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page