Mayor Mark, ‘di kasama, hiwalay na?! KATHRYN, TODO-DISPLEY NG FLAT NA TIYAN SA PARTY, AGAW-PANSIN

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 14, 2026

Photo: Kathryn Bernardo - The Aivee Clinic / IG
Nagpasabog ng kaseksihan ang bida ng Someone, Someday na si Kathryn Bernardo sa katatapos lang na 17th anniversary party ng Aivee Clinic kung saan isa ang aktres sa mga celebrity clients ni Dra. Aivee Teo.
Napakasimple ng suot ni Kathryn – a low-waist denim pants and black crop top na may nakasulat na “Bebe”, pero “nagmumura" at agaw-pansin talaga ang kanyang toned and flat abs, with matching piercing sa pusod.
Ibang-iba na talaga ang datingan ngayon ni Kathryn, malayung-malayo na nu'ng sila pa ni Daniel Padilla, kung saan parang ingat na ingat pa si Kath sa pagsusuot ng sexy outfit.
Iniisip tuloy namin na baka open-minded ang bagong rumored boyfriend ni Kathryn na si Lucena Mayor Mark Alcala at all-out support lang ito kahit ano pa ang trip isuot ng aktres.
Pero teka, bakit nga kaya hindi yata kasama ni Kath that night ang rumored BF? Could it be hindi mahilig pumarty ang alkalde o umiiwas lang ito na ma-bash na naman ng mga constituents at netizens na public servant na partygoer?
Or, wait… isa pang tanong ay kung sina Kathryn at Mayor Mark pa rin kaya?
Medyo matagal na rin kasing walang ganap at ‘ayudang’ mga larawang magkasamang nagde-date ang dalawa. One month ago na mula nang makita silang nagpunta sa Aivee Clinic.
Oh, well, ‘wag naman sana at hindi pa nga natin naririnig ang kumpirmasyon either kay Kathryn o Mayor Mark sa rumored relationship nila, break na agad?

Kelvin Miranda - IG
UNANG nakilala at hinangaan bilang si Adamus sa GMA-7 fantaseryeng Encantadia, bibida naman ngayon sa advocacy film na Sa Tamang Oras At Panahon (STOP) ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda.
Layunin ng pelikula na mabigyang-pansin ang mahahalagang isyung panlipunan at hikayatin ang mga manonood na pagnilayan ang mga pagpili, hamon, at reyalidad na kinakaharap ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Sa pamamagitan ng kuwentong nakasentro sa isang mahalagang mensahe, hangad ng STOP na maghatid ng kamalayan, pag-unawa, at positibong pagbabago.
Bilang bida, inaasahang makatutulong si Kelvin upang mabigyang-buhay ang mensahe ng pelikula.
Layunin din ng STOP na ipakita kung paano maaaring magsilbing plataporma ito para sa isang makabuluhang paksa.
Nakatakdang pag-isahin ng STOP ang mundo ng showbiz at adbokasiya. Bukod kay Kelvin, tampok din sa advocacy film sina James Blanco, Ron Angeles, isa pang Kapuso talent na si Angel Guardian, Julio Diaz, ang kilalang content creator na si Bernie Batin at iba pa.
Ang executive producer ng pelikula ay si Cabanatuan City, Nueva Ecija Councilor Jojo Matias sa ilalim ng kanyang Jems Talent Productions. Ang pelikula ay idinirek ni Neal “Buboy” Tan.
‘Pag parating ganyan, maalarma na s'ya d'yan…
AKTOR-DANCER, AMOY-PATAY NA DAGA NA ANG PAA, MAASIM PA ANG PAWIS, IBINATONG T-SHIRT SA FAN, PINANDIRIHAN

BLIND ITEM:
NAKU pooo!!! Hindi lang pala amoy-patay na dagang paa ang problema ng aktor-dancer na bida sa ating blind item last time.
Chika ng same source namin, pati katawan nito ay may ‘di rin kagandahang amoy, as in may BO (bad odor).
Napatunayan ito ng source nang sa isang fashion show ng clothing brand na ine-endorse ng aktor-dancer ay isa ito sa mga rumampa sa stage.
Todo-tili pa naman daw ang kaibigan ng aming source na nasa audience habang rumarampa na sa gitna ng entablado ang aktor-dancer at hinubad ang t-shirt. Feeling jackpot ang BFF ng aming source dahil nang hubarin at ihagis ng aktor-dancer ang suot na t-shirt, sumakto pang sa mukha niya lumanding!
Pero ang dapat ay sobrang kasiyahan at pagkakilig ay biglang napalitan ng pagkadismaya at pandidiri dahil sa maasim na pawis na naamoy ng girl na nakasalo sa t-shirt ng aktor-dancer.
Biglang na-turn-off ang friend ng aming source at naitsika nga niya ang masaklap na karanasang ‘yan sa aktor-dancer.
Well, kung parating ganito ang chika sa aktor-dancer, dapat ay maalarma na s'ya d'yan, ah?!





Comments