MAYOR LACUÑA, AMINADONG NAKIKINABANG ANG MAYNILA SA SERYE NI COCO
ni Julie Bonifacio @Winner | March 31, 2023

Mismong ang mayor ng Manila na si Honey Lacuña ang nagbigay-linaw sa isyung ibinabato laban kay Coco Martin dahil sa pagsu-shoot nila sa Quiapo para sa kanyang teleserye na FPJ’s Batang Quiapo.
May mga nagrereklamo raw kasi na vendors sa Quiapo dahil naaapektuhan ang kanilang pagne-negosyo. Although, may isang basher lang naman daw si Coco at ito nga raw talaga ang nag-iingay tungkol dito.
Sa isang panayam kay Mayor Lacuña ay sinagot niya ang isyu kontra sa Batang Quiapo na napapanood gabi-gabi sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, TV5 and TFC.
Una, sa negatibong paglalarawan sa Batang Quiapo sa lugar at mga nakatira sa Quiapo, ipinaliwanag ni Mayor Lacuña na nagkausap na sila ng production team ng action serye ni Coco.
Sinabi ng team ng Batang Quiapo kay Mayor Lacuña na magkakaroon naman ng redemption sa kuwento.
Kumbaga, sa simula ay ipapakita muna ang bad side ng Quiapo and then, ipapakita naman ang kagandahan nito later on.
At sa bintang na nakakaabala ang pagsu-shoot ng Batang Quiapo sa mga vendors, inamin ni Mayor Lacuña na may nakukuha rin namang benefit ang pamahalaan ng Maynila sa programa ni Coco.
In fairness, malaking ganansiya para sa kaban ng Manila government ang naibabahagi ng Batang Quiapo sa almost every day na shoot nila sa Quiapo.
And for sure, ang mga taga-Maynila rin ang magbebenepisyo nang husto mula rito.





Comments