Maynilad, suportado ang Brigada Eskwela 2025
- BULGAR
- Jun 24
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | June 24, 2025

Hello, Bulgarians! Nagpaabot ng suporta ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa humigit-kumulang 50 pampublikong paaralan sa Metro Manila at Cavite para sa Brigada Eskwela 2025 program ng Department of Education (DepEd), na nagbibigay ng mga gamit sa paglilinis at suporta sa hydration upang tumulong sa paghahanda ng mga campus para sa pasukan ngayong taon.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga local government unit at DepEd school division, nag-donate ang Maynilad ng iba’t ibang disinfecting supplies, 87 refrigerated drinking fountain, at 260 pack ng bottled water sa mga pampublikong paaralan sa mga lungsod ng Valenzuela, Malabon, Manila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, Makati, Imus, at Bacoor. Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng kumpanya sa pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang kapaligiran ng mga mag-aaral.
“We are pleased to support Brigada Eskwela once again, as it aligns with our sustainability agenda to promote health, education, and overall well-being in the communities we serve,” pahayag ni Maynilad Chief Sustainability Officer Roel S. Espiritu. “By helping to create safe and welcoming school environments, we hope to empower more Filipino children to grow and thrive.”
Bilang karagdagan sa mga pagsisikap nito sa Brigada Eskwela, ang Maynilad ay nag-ayos ng mga drink-and-wash station sa 20 pampublikong paaralan ngayong taon. Magsasagawa rin ito ng W.A.S.H. (Water, Sanitation, and Hygiene) education session at reading caravan sa pamamagitan ng Daloy Dunong program, sa pakikipagtulungan nito sa sister companies sa ilalim ng MVP group.
Ang Maynilad ang pinakamalaking private water concessionaire sa Pilipinas in terms of customer base. Ito ang concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa west zone ng Greater Manila Area, na binubuo ng mga sumusunod na lugar: Ang mga lungsod ng Maynila (lahat maliban sa mga bahagi ng San Andres at Sta. Ana), Quezon City (west ng San Juan River, West Avenue, EDSA, Congressional, Mindanao Ave.; ang hilagang bahagi simula sa mga Distrito ng Holy Spirit & Batasan Hills), Makati (west ng South Super Highway), Caloocan, Las Piñas, Malabon, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, at Valenzuela — lahat sa Metro Manila, gayundin ang lungsod ng Cavite, Bacoor at Imus, ang mga munisipalidad ng Kawit, Noveleta at Rosario, pawang nasa lalawigan ng Cavite.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments