top of page
Search

Maynila, ‘di lang mataas ang crime rate, nagkalat pa ang illegal gambling, anyare?!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 3, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SA PANAHON NINA EX-P-DUTERTE AT YORME ISKO, MABABA ANG CRIME RATE SA MANILA, CAPITAL OF THE PHILS. -- Sa Crime Index by City 2024 Midyear na isinapubliko ng Numbeo.com website na nakabase sa Serbia, sa buong Southeast Asia ay rank number 1 ang Manila sa may pinakamaraming krimen na naganap.


Sa totoo lang, sa panahon na si ex-P-Duterte ang presidente ng Pilipinas at si Yorme Isko Moreno ang alkalde ng Maynila ay mababa ang crime rate sa lungsod.


Dapat yata ay mabalik sa puwesto ang Duterte at Moreno para bumaba uli ang krimen sa Manila na siyang capital of the Phils., period!


XXX


BUKOD SA MATAAS ANG CRIME RATE, DAMI PANG ILLEGAL GAMBLING SA MAYNILA -- Sa panahon ngayon na si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang lider ng bansa at si Mayora Honey Lacuna ang alkalde ng Maynila ay hindi lang crime rate ang mataas sa capital of the Phils., kundi pati illegal gambling.


Dadami talaga ang illegal gambling sa Maynila kasi sangkaterba ang gambling lords dito na nag-o-operate ng STL-con jueteng, lotteng at EZ-2 at sila ay sina alyas "Boy Abang," "Lorna," "Paknoy,"  "Dani Bukol," "Anna," "Prades," "Tonton," "Tata Ber", at "Lando," boom!


XXX


SABI NI EX-P-DUTERTE ‘DI RAW SIYA TATAKBONG SENADOR, GANYAN DIN SIYA NOON, PERO TUMAKBO PA RIN SA PAGKA-PRESIDENTE -- Sabi ni ex-P-Duterte hindi raw siya kakandidatong senador, taliwas sa sinabi ng anak niyang si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na tatakbong senator ang tatay niyang si ex-P-Duterte at dalawang kapatid na sina Davao City Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte. 


Sa totoo lang, ganyan din ang sinabi ni ex-P-Duterte noong 2015, na hindi raw siya kakandidato sa pagka-presidente noong 2016 election, pero ang nangyari, tumakbo rin siya kaya siya ang naging presidente ng ‘Pinas mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2022, period!


XXX


MARCOS ADMIN ANG DALAS MAG-ANUNSIYO NG MGA DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Inanunsiyo ng Energy Regulatory Board (ERC) ang pagpapatupad uli ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.


Mantakin n’yo, last week ay nagpatupad ng bigtime oil price hike ang gobyerno, tapos nagpatupad na naman kahapon ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Iyan ang Marcos admin, ang dalas mag-anunsiyo ng mga dagdag-pahirap sa mamamayan, tsk! 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page