top of page
Search
  • BULGAR

MAYMAY, NA-DEPRESSED, MUNTIK NANG LAYASAN ANG SHOWBIZ

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 1, 2022


Ibinulgar ni Maymay Entrata na muntik na siyang mag-quit sa showbiz during the pandemic.


Sobrang na-depressed si Maymay that time, ‘di raw niya alam kung may darating pang project for her.


Sa kanyang acceptance speech after winning her award as Favorite Female Artist sa katatapos lang na Awit Awards 2022 curated by MYX last November 23, ini-reveal ni Maymay ang kanyang pinagdaanang depression.


Pahayag niya, “Hindi na putchu-putchu ito (Awit Awards). Grabe na ‘to!


“Sa mga ‘di po nakakaalam, last year lang po talaga ako nag-singing lesson para lumabas po.


“(Taong) 2021 ang pinaka-challenging na taon sa buhay ko. Muntik na po akong umalis sa industriya, umabot na po roon.”


Umabot pa si Maymay sa punto na pati ang sarili niya ay hindi na niya mahal. Mabuti na lang daw at dumating ang offer na kumanta siya.


“Tapos, hindi ko na mahal 'yung sarili ko, tapos ibinigay sa akin 'yung AMAKABOGERA, tapos sabi ko, 'Bakit po ako, Lord?' Hindi pa naman ako passionate sa pagkanta at dito sa musika.

“Tapos, while nagtatanong ako sa kasagutan ng Panginoon, ginawa ko po, nag-singing lesson ako at nabigyan ko po ng hustisya 'yung kanta,” lahad pa ni Maymay.


Hindi naman nakalimutang i-share ni Maymay ang kanyang award sa kanyang non-showbiz boyfriend.


Mukhang wa' na care si Maymay sa magiging reaksiyon ng mga fans nila ng ex-ka-love team niyang si Edward Barbers na male host sa Awit Awards. Or baka naman type lang pagselosin ni Maymay si Edward, ‘di kaya?


Anyway, ipinost din ni Maymay sa kanyang Instagram ang pagkakapanalo niya sa Awit Awards.


"Nakakataba po ng puso ang gabi na ito. Salamat po, @awitawards sa recognition ho na ito, isa po ito sa patunay na bunga ng pinag-aralan ko dito po sa industriya ng musika,” say ni Maymay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page