top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

MAYMAY, DINAYO SA ‘PINAS NG BF PARA SA 1ST ANNIV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 23, 2026



FRANKLY - MAYMAY, DINAYO SA ‘PINAS NG BF PARA SA 1ST ANNIV-

Photo: IG _maymay



Super happy ngayon si Maymay Entrata dahil nasa bansa ang kanyang Filipino-American model boyfriend na si Joaquin Enriquez para ipagdiwang ang kanilang first anniversary.


Ibinahagi ni Maymay sa kanyang Instagram (IG) kahapon ang video nila ng Fil-Am boyfie at sa caption ay ramdam ang kasiyahan ng Kapamilya actress sa muli nilang pagkikita.


Naka-base kasi sa Los Angeles, California ang dyowa ni Maymay kaya LDR (long-distance relationship) ang drama nila.


“Road 24ever with my person (white heart emoji). 5 hours until our first year… and we’re just getting started,” simula ng caption ng aktres-singer.


Kasunod nito ay nagpasalamat siya kay Joaquin na lumipad pa ito ng Pilipinas para personal nilang maipagdiwang ang kanilang anniversary.


“Thank you for coming all the way here, mahal, para ma-celebrate natin ‘to together in person (teary-eyed & white heart emoji). Here’s to more years of choosing each other. Gihigugma kaayo tika (I love you very much),” mensahe niya sa dyowa.


Matatandaang isinapubliko ni Maymay ang kanilang relasyon noong Oktubre 2025. Kahit LDR sila ay madalas pa rin silang magkita dahil from time to time ay pumupunta ng Pilipinas si Joaquin o ang dalaga naman ang bumibisita sa US para magkasama sila.





NAGBIGAY ng kanyang opinyon ang King of Talk na si Boy Abunda sa pinagpiyestahang isyu nina Vice Ganda at Kim Chiu.


Ito ay tungkol sa hindi pagkakabanggit ni Vice sa pangalan ni Kim sa kanyang acceptance speech para sa award niya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Broadcast Arts Awards.


Binanggit kasi niya ang lahat ng kanyang mga co-host sa It’s Showtime (IS) maliban kay Kimmy.


Naging malaking usapin ito dahil na-bash nang husto si Vice ng mga tagahanga ni Kim, na sinagot naman ng TV host-comedian kung saan ay tinawag niyang ‘ka-cheap-an’, ‘entitled’ at ‘toxic’ ang mga faney ng aktres.


Kasunod nito ay ipinagtanggol naman ni Kim ang kanyang mga fans at sinabing hindi naman daw ito ka-cheap-an kundi ipinakikita lang ng kanyang mga supporters ang malasakit at pagmamahal sa kanya.


Ayon kay Kuya Boy, naniniwala siyang hindi naman sinasadya ni Vice Ganda na hindi banggitin ang pangalan ng aktres.


“Ako, here's my take – nerves. Nakakanerbiyos po. You don’t get used to getting awards. Sigurado po ako na ‘di sinadya ni Vice Ganda na kalimutan si Kim Chiu. Alam naman nating lahat na maganda ang kanilang relasyon,” saad ni Kuya Boy sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Dagdag pa niya, “When you’re on stage, tapos nagpapasalamat ka sa mga tao na dapat pasalamatan, meron at meron kang kakaligtaan. It happens even in the Academy Awards. Minsan, nakakalimutan ‘yung mga magulang, minsan nakakalimutang i-acknowledge ‘yung mga maybahay o ‘yung husband, you know. It happens. I think we have to be more understanding.”


Sumang-ayon din naman sa kanya ang mga guests niyang sina Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi.


Samantala, nagpasalamat din si Kuya Boy sa bumubuo ng FAMAS Broadcast Awards dahil wagi ang kanilang programa bilang Best Entertainment Talk Show sa nasabing awarding na ginanap noong Lunes.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page