top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

May tsansa ang mga sasali sa PHILRACOM 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 9, 2023


Kahit sino sa mga kasali sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes Race sa darating na Linggo ay malaki ang tsansang manalo ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media.


Bagama't si Tell Bell ang nagwagi sa trial race nakaraan ay naniniwala ang ibang racing aficionados na mapapalaban ng todo ang nabanggit na kabayo sa aktuwal na laban na gaganapin sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Kaya naman atat na rin ang mga karerista na mapanood ang tikas ng mga batang kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Posibleng maging liyamado si Tell Bell na makikipagkampihan kay Chrome Bell sa distansiyang 1,400 meter race. Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez, makakalaban ni Tell Bell ang ibang kalahok na sina Prime Billing, Glamour Girle, Grand Moments, Cash On Hand, Melania, Runway Ten at Song Bird.


Tiyak na paghahandaan ng todo ng mga trainers at hinete ang nasabing karera dahil nakataya ang garantisadong P1.2-M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Sina Chrome Bell na sasakyan ni Pabs Cabalejo at Tell Bell ay mula sa Bell Racing Stable, puntirya nila na masilo ang P720,000 premyo.


Hahamigin ng second placer ang P240,00, iuuwi ng third ang P120,000 habang tig-P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.


Samantala, maliban sa nasabing stakes race, paniguradong magandang laban din ang masisilayan ng mga racing aficionados sa mga regular races na pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Linggo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page