ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 3, 2024
SA mediacon ng Viva Films na Isang Gabi starring Diego Loyzaga at Coleen Garcia ay pansin namin na tipong may chemistry ang dalawang itey, sa true lang.
Ang nasabing pelikula ay isinulat ni Ricky Lee at sa direction naman ni Mac Alejandre.
Sa report ni katotong Jojo Gabinete ay nag-atubili raw si Coleen na tanggapin ang said film ng Viva for two reasons. Una, masyadong seksi ang proyekto. Pangalawa, kaibigan ng kanilang pamilya ang leading man niya sa pelikula na si Diego Loyzaga.
“At first, medyo nagdalawang-isip kami. Two reasons, one reason was because the material’s really very difficult.
“Originally, ‘yung script na ito was sexier, it was for Vivamax. Pero siyempre, marami silang binago and heavy drama kasi ‘yung pelikula,” ani Coleen.
“Nagdalawang-isip ako sa sarili ko kung kaya ko ba, kung mabibigyan ko ito ng justice.
“And then, another reason pa, si Diego ang kasama ko kasi para kaming magkapatid. Para ko s’yang little brother. ‘Kaya ko bang gawin ito?’
“It was a big factor pero nagawa naman namin nang maayos,” saad pa ni Coleen nang humarap sila ni Diego sa entertainment press nitong Miyerkules, Abril 24, 2024.
Well, wala raw inilihim si Coleen kay Billy Crawford tungkol sa mga mapangahas na eksena nila ni Diego sa Isang Gabi.
Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng isang maunawaing asawa, na suportado ang kanyang acting career.
Dagdag ni Coleen, “Actually, ito ‘yung first script in a long time na hindi niya [Billy] nabasa. So, hindi niya alam kung ano ang magiging istorya sa mismong pelikula.
“But I do tell him about the scenes that I’m shooting kasi ayoko naman ng gulatan. Parang hindi naman tama ‘yun na biglang magugulat na lang s’ya na may mga ganoong eksena ako.”
Diin pa ng aktres, “So, without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha ‘yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano ‘yung mga klase ng scenes ‘yung isinu-shoot ko. Kung how far I went and everything.”
Well, Coleen Garcia at Billy Crawford, support lang dapat ang mag-asawa sa isa't isa, ‘ika nga, with matching background music titled One Night Only ni Jennifer Hudson.
Boom, ‘yun na!
Comentarios