top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May third at fourth wave na ang COVID, nakupo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 27, 2021



Ipinakakansela na ang Tokyo Olympics.


Malaki ang tama ninyo.


Puwede naman kasing i-boykot, ah!


◘◘◘


MAY third at fourth wave na ang COVID.


Negosyo kasi ‘yan ng mga multi-national companies!


◘◘◘


MAGKAKAIBA ang protocol sa mga pagburol at paglibing ng patay sa gitna ng pandemic.


Bakit kaya?

◘◘◘


KALIWA’T kanan ang tupada.


Pinagkikitaan kasi ‘yan ng mga protektor.


Kapag maliit ang tongpats, sinasalakay ng mga iskalawags!


◘◘◘


TULAD ng ordinaryong tao, dahop din ang mga parak.


Isang parak nga ang nangholdap at nasakote sa Bulacan!


◘◘◘


MALAKI ang tama ni PNP Chief Guillermo Eleazar na purgahin ang Pambansang Pulisya.


‘Yan mismo ang mithiin ng internal cleansing ni Heneral Gilor—sibakin ang mga tiwaling parak!


◘◘◘


OTSENTA porsiyento na ang ibinaba ng bilang ng nagpopositibo sa COVID.


Sa nalalabing 20 percent, kakarampot lamang dito ang severe at kritikal.


Inililihim ‘yan ng DOH.


Eh, bakit?


◘◘◘


DAPAT severe cases at death na lamang ang binibilang na siyang pagbabatayan ng lockdown.


Kapag ganyan, makikitang tapos na ang pandemic!


◘◘◘


MARAMI ang namamatay sa stress.


Kasama na riyan ang sakit sa puso at pneumonia.


Wala kasing galaw ang ekonomiya!


◘◘◘


HINDI COVID ang isyu ngayon, bagkus ay ang matinding pagdarahop sa paligid.


Kapag walang salapi ang ordinaryong mamamayan, marami ang magkakasakit at gagawa ng krimen!


◘◘◘


WALANG kongkretong solusyon ang gobyerno sa krisis sa ekonomiya.


Hindi ito nareresolba nang biglaan o sang-iglap lamang!


◘◘◘


BAGSAK ang industriya, taob ang ganansiya.


Walang bakuna kontra riyan.


Walang customer, walang konsiyumer at walang komyuter.


Paano yan?


◘◘◘


NATUPAD ang pangarap nang presidentiable, nagsiuwi sa mga lalawigan ang mayorya ng residente ng Metro Manila.


Ang resulta?


Bangkaroteng ekonomiya.


Tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page