top of page
Search
BULGAR

May tampo raw sa filmfest… NORA, HIHILAHIN NI RICKY LEE DUMALO LANG SA MMFF AWARDS NIGHT

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 8, 2024



Photo: Nora Aunor / IG


Hihilahin ni National Artist Ricky Lee ang Superstar na si Nora Aunor kung kinakailangan para dumalo sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.


May tsika raw kasi na hindi dadalo si Nora sa MMFF Awards Night. Malaki raw kasi ang tampo nito sa komite ng December film festival. 


“Hilahin ko s’ya,” nakangiting sabi ni Sir Ricky.


May possibility din talaga na mapa-attend ni Sir Ricky sa awards night ng MMFF si Nora.

“Eto naman (taon na ito), alam n’yang pang-MMFF ‘to. And yet, nag-participate s’ya. Hindi s’ya nagdalawang-salita. Hindi na siya nagsabing… kasi si Guy, magta-tantrums, ‘Kuya, ‘wag na,’ hindi naman siya nag-ganu’n, eh. So, lumakas ang loob ko na siguro naman. ‘Pag ‘di ko nagawa, ‘wag ninyo akong sisihin. But i-try ko s’ya na i-convince,” esplika ni Sir Ricky.


Si Nora ang may pinakamaraming Best Actress award and the only recipient ng solo award na Best Performer sa MMFF para sa pelikula niyang Atsay.


“At saka ako, siguro, nasa 14 or 15 awards ako sa MMFF. ‘Pag nagsabi ka ng MMFF, agad-agad, Nora. And if you mention films, five or six, agad-agad, Himala siguro. So, part s’ya ng MMFF. At saka, tama, 50th year.


“I-celebrate natin hindi lang MMFF kundi pelikulang Pilipino kasi nangangailangan ng celebration ang pelikulang Pilipino ngayong mga panahon na ito na hindi s’ya masyadong tinatangkilik,” hiling ni Sir Ricky.


May special participation si Nora sa isa sa official entries sa MMFF, ang Isang Himala (IH) sa direksiyon ni Pepe Diokno.


Pero siyempre, isa ito sa mga malalaking surprises ng IH na ipinrodyus ng CreaZion at Kapitol Films showing on December 25.


Ang copyright ng script ni Sir Ricky ay nananatili sa writer kaya puwede siyang gawin sa iba’t ibang platforms at 'di na kailangang ipaalam sa nag-produce ng Himala, ang

Experimental Cinema of the Philippines (ECP).


“Pero ia-acknowledge s’ya, the same way na ia-acknowledge 'yung theater production nu’ng 2018 which is really very good. Naging witness ako noon, eh. Halos gabi-gabi, nanonood ako. 


“Gabi-gabi nag-i-standing ovation, nag-iiyakan sa audience dito sa cast. Talagang nakaka-goosebump. You get the feeling na sana ma-document ito. 


“So what we did that time, nakuha ako ng mga kaibigan na i-shoot natin para magawang  pelikula. Hindi pa si (Direk) Pepe, 2019, eh.”


Sa tingin ni Sir Ricky, perfect ang aktres-singer na si Aicelle Santos na gumanap bilang si Elsa for Isang Himala. 


 

MULING nag-uwi ng tagumpay at karangalan ang premyadong all-around director at producer na si Direk Nijel de Mesa at ang kanyang NDM Studios.


Nanalong Best Picture at Best Director mula sa Ima Wa Ima Asian International Film Festival (IWIAAFF) sa Osaka, Japan ang kanyang pandemic-inspired film na Coronaphobia na tungkol sa “fake news” at paranoia.


Bumungad naman sa kanya pagbalik ng Pilipinas ang trending news tungkol sa “ex” ng dati niyang katrabahong musikero na si Rico Blanco.


Dahil nagkaroon sila ng ugnayan ni Rico kaya natanong siya ng ilang taga-media kung may chance ba na makatrabaho niya ang ex ni Rico at kontrobersiyal na si Maris Racal.

“Oo naman,” mariing tugon ni Direk Nijel. 


Aniya, “Mahusay pa rin naman s’yang aktres, hiwalay naman ang personal n’yang buhay sa professional. Problema talaga kasi sa ating mga Pilipino, mahirap nating mapaghiwalay ang personal sa professional. 


“Pero I guess, dapat ready ka sa mga ganyan dahil public figure si Maris, eh. Talagang ganyan, nagiging commodity ka na at parang pagmamay-ari ng publiko.


“Ayoko rin naman sa mga nandadaya sa pag-ibig pero kaya kong paghiwalayin ‘yun. ‘Di bale, kakalma rin ‘yang publiko, madali namang magpatawad ang mga Pilipino.”


Lubos na nagpasalamat si Direk Nijel sa mga organizers ng parangal at film festival sa pangunguna ng Global Maharlika in Kansai, Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union in Japan at Kyomigaru Creative Collective. 


Wagi rin kasi si Direk Nijel ng Best Cinematography para sa kamangha-manghang camera shots niya para sa pelikulang ito. Pinasalamatan din ni Direk Nijel ang Universal Records family niya sa kanyang talumpati.


Kabilang din sa mga nagwagi mula sa Pilipinas sina Alfred Vargas, Kiray Celis, Jane de Leon, at si Daiana Menezes para sa Best Supporting Actress. Dinaluhan din ang film festival ng mga artista galing pa sa South Korea, Laos, Myanmar, Indonesia, at siyempre,  Japan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page