May sugat sa ulo at tali sa leeg... 17-anyos, todas sa pinsan

ni Benjamin Chavez @News | October 23, 2026

Photo: File
Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos matagpuang patay ang kanyang 17-anyos na pinsan sa madamong bahagi ng Sitio Ilaya, Brgy. San Ildefonso, Alaminos, Laguna.
Kinilala ang biktima sa alyas Arcel habang ang suspek na pinsan ay si alyas Henry.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Alaminos Municipal Police Station, nakita umano ng isang saksi na nagtatalo ang magpinsan habang kapwa nasa impluwensya ng alak.
Kinabukasan, alas-10:30 ng umaga, natagpuang wala nang buhay ang biktima sa parehong lugar. May sugat ito sa ulo at tali sa leeg.
Nawawala rin ang cellphone at pera ng biktima. Lumalabas sa paunang impormasyon na itinago umano ng suspek ang bangkay sa ilalim ng damuhan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at forensic examination sa pinangyarihan ng krimen.





Comments