May show sa lahat ng channel… ARA, QUEEN OF ALL NETWORKS
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 2, 2023

May bagong title si Ara Mina bilang aktres, ang "Queen of All Networks"!
Tatlong dekada na rin sa industriya ang sexy actress na nag-umpisa noon sa youth-oriented program ni Kuya Germs (German Moreno), ang That’s Entertainment.
Aniya, ang umabot ng 30 yrs. sa showbiz ay hindi isang biro kaya grateful siya.
Never din daw pumasok sa isip niya ang mag-quit sa showbiz nu'ng time na wala siyang ginagawang teleserye o pelikula.
Sa ngayon ay busy ang aktres. Kaliwa't kanan ang kanyang teleserye at maging sa paggawa ng pelikula.
Sambit nga niya sa isang panayam, “Ano ako, eh, Miss Friendship ako, eh, mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfits.
“Queen of All Networks ako! Gusto mo 'yun?”
"Sa May 14, ie-air na 'yung sitcom namin, Jack and Jill sa Diamond Hills with Sue Ramirez and Jake Cuenca, and kasama rin dito si Gardo [Versoza] sa TV5.
"And I have a lifestyle magazine talk show, Magandang Araw, sa May din siya, sa NET25.”
Masuwerte si Ara dahil naiikot niya ang lahat ng networks.
“Kasi I don’t have a contract naman sa mga networks, per project ako. And I have a good relationship with ABS, with GMA.
“Actually, nu'ng nasa Ang Probinsiyano ako, may offer sa akin ang GMA. Sabi, kailan ako matatapos sa Ang Probinsiyano?
“Marami akong napalampas na projects sa GMA noon when I was in Ang Probinsiyano, and then 'yun, sa TV5. I think pang-ilan ko na rin sa TV5 ito, but this is under APT Entertainment, 'yung sa TV5.
“And itong sa NET25, nagge-guest ako but this is my first time na magkaroon ng sarili kong show.
“Actually, this is a dream project for me because I’ve been watching Oprah Winfrey since I was young. Sabi ko, ‘Sana magkaroon ako ng sarili kong ganyan.’
“Then ito na nga, after thirty years, nagkaroon din ako ng dream project ko, ang magkaroon ng sarili kong lifestyle talk show,” pagtatapos ni Ara.





Comments