top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIRIT NG NETIZEN: KRIS, 'DI MA-TAKE NA INAYAWAN NI BISTEK, BITTER PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 25, 2022




Labis na ipinagtataka ng marami kung bakit ang maysakit na si Kris Aquino ay nagawa pang sumipot sa rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac? At buong-ningning pa itong nagsalita sa stage at may isang taong pinatatamaan at kinaiinisan. Wala raw utang na loob at hindi marunong tumupad sa pangako ang taong ito.


Hindi man pinangalanan ni Kris ang kanyang tinutukoy na “somebody”, alam na alam ng lahat na si Herbert Bautista 'yun na kanyang ex-BF.


Binanggit pa ni Kris na tumatakbo ngayon sa isang posisyon ang taong hindi marunong tumupad sa pangako kaya 'wag daw iboboto.


Dismayado kay Kris ang maraming fans at supporters ni Bistek. Sa halip nga naman na si VP Leni ang tutukan at puri-purihin ay nagagawa pa niyang isingit ang panunumbat kay Herbert Bautista na dati niyang karelasyon.


Kaya kung dati ay marami ang naaawa sa kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino, ngayon ay hindi na nila magawang makisimpatya. Bitter pa rin si Kris sa paghihiwalay nila ni Bistek.


Simpait ng ampalaya ang kanyang panunumbat sa dating karelasyon. Malaking sampal sa pride ni Kris na siya ay inayawan at iniwanan ng isang lalaki kaya paulit-ulit at patuloy ang kanyang panunumbat kay Herbert Bautista.


Hindi pa tuluyang nakaka-move on si Kristeta sa paghihiwalay nila ni Bistek kaya patuloy niyang sinisiraan sa mga botante ang BF ngayon ni Ruffa Gutierrez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page