top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

May pinariringgan daw, Philmar… “RESPECT IS EARNED” — ANDI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 9, 2025



  • Andi Eigenmann - IG

Photo: Andi Eigenmann - IG


Nasungkit ni Andi Eigenmann ang 6th place sa sinalihang Queen of the Point women’s longboarding competition sa Cloud 9, Siargao.


Ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa Instagram (IG) at ipinagmalaki ang pakikipag-compete kasama ang mga inspiradong kababaihan.


Sa kanyang post, proud na ibinahagi ni Andi ang mga litrato habang sinasakyan niya ang alon sa longboarding event na eksklusibo para sa kababaihan.


“Stooooked! Made my first ever finals at Queen of the Point — Cloud 9! Placed 6th! Yiiw! Grateful beyond words to share the lineup with such powerful, inspiring women both from Siargao and from other parts of the world.”


Nagpasalamat siya sa kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak na si Lilo sa walang sawang suporta sa kanya.


“Another special thanks to @chepoxz for lending his surfer hat to me and Lilo for this weekend,” saad niya.


Naging driver, surf coach, photographer, tagabitbit at cheerleader din daw si Philmar sa buong event. 


Higit sa surfing, may mas malalim na mensahe rin si Andi para sa mga baguhan sa surfing community.


“Respect is earned. Especially in the water. You don’t just demand respect from locals when you don’t even respect them at all,” aniya.


Ayon sa mga netizens, tila may pinatutungkulan si Andi Eigenmann.

Ramdam daw kasi ng mga ito sa kanyang mensahe ang matinding malasakit sa komunidad na kanyang minahal na sa Siargao.



NAGULAT ang maraming netizens at celebrities nang makita ang bagong litrato ng pinakamahusay na volleyball player ng bansa na si Alyssa Valdez na hindi naka-jersey kundi naka-two-piece.


Napa-“wow” ang mga netizens sa bagong looks ni Valdez.


Ang mga celebrities naman ay kani-kanyang komento sa comment section:


Sey ni Chie Filomeno, “HINDI AKO READY DOON, AH! PHENOM!! (Phenomenal).”


Sagot ng isang netizen, “@chiefilomeno kasing-sexy mo s’ya.”


Sey naman ni Mimiyuuuh, “Ay, grabe s’ya!! Ang sarap!!!”


Komento naman ni Angelica Panganiban, “Step by step lang talaga. Basta makinig ka sa ‘min.”


Sey pa ng ibang commenters, “Required ang abs sa Bali (Indonesia).”

“Grabe ka, Alyssa. Hindi lang sa sports jersey ka palaban, huh, pati sa two-piece, kering-keri… sana all.”



GUEST ng Asia’s King of Talk Boy Abunda si Willie Revillame sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan.


Dahil ilang araw na lang at eleksiyon na (May 12) ay tahasang tinanong ng mahusay na TV host si Kuya Wil hinggil sa kanyang plano kapag siya ay pinalad na makapasok sa Top 12 senators.


Ani Kuya Wil, noon pa man daw ay inaawitan na siya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato, ngunit noong mga panahong iyon ay aminado siyang hindi pa handa.


Ngayon ay desidido na raw siyang tumakbo matapos makita ang hindi pagkakasundo sa Kongreso at ang problemang kinakaharap ng Senado.


Wika pa niya, “Ang napapanood ng mahihirap na tao ay puro away. Parang sabi ko, it’s about time na gumawa naman ako ng paraan para sa mga mahihirap kong kababayan.”


Patuloy pa ni Kuya Wil, “Alam mo, para sa ‘kin, batas para sa mahirap. Dapat, may batas tayong tumitingin sa ating mga kapus-palad na kababayan. Sino ba’ng mga bumoboto? Sino ang mga tumatangkilik sa atin? Mahihirap. Dapat ibinabalik din natin sa kanila ‘yan. ‘Yan ang batas na gusto kong gawin. Batas para sa mahihirap.


“Ano ang kailangan ng mahirap? Mabuhay nang maayos. ‘Di ba? Hindi ‘yung nabubuhay na laging may sakit, ganitong nararamdaman, walang trabaho, walang edukasyon, ‘yan ang pinaka-basic na kailangan natin,” dagdag pa niya.


Plano ni Willie na unahing magsagawa ng batas para sa kalusugan, trabaho, investors, at pangangailangan ng mga kabataan.


Hindi maitatangging kahit noon pa man ay malapit na ang TV host sa mahihirap, lalo na sa mga senior citizens na laging pumupunta sa kanyang game show.


Kahit naman nu’ng TV host pa lang si Willie, masasabi nang isa siyang public servant.

Well, tingnan natin kung ano’ng magiging kapalaran ni Kuya Wil sa Lunes, Mayo 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page