top of page
Brenda Mage - FB.jpg

May ‘Peter Pan’ syndrome… PIOLO, AMINADONG AYAW TUMANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 28, 2026



Piolo Pascual sa EDDYs

Photo: File / Piolo Pascual sa EDDYs



Pumapasok na ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa kanyang golden era dahil sa susunod na taon ay ipagdiriwang na niya ang kanyang ika-50 na kaarawan. 


Sa latest edition ng Metro Artist Spotlight, nag-open up ang aktor tungkol sa kanyang personal life, successful showbiz career, at mga bagong milestones matapos ang halos tatlong dekada niya sa industriya ng entertainment.


Ayon kay Piolo, mas natutunan na niyang piliin ang mga proyektong gusto niyang gawin at bigyang-priority ang mga bagay na tunay na mahalaga sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya at anak na si Iñigo Pascual.


“It’s more significant in a way. Because I get to choose the things that I want to do. And I get to prioritize my family, especially my son. I guess I’m more relaxed this 2026,” pagbabahagi niya.


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang buhay at career, naghanda rin si Piolo ng ilang espesyal na proyekto, tulad ng katatapos lamang na successful concert niya na Piolo: A Gala Concert, bagong album na …with Piolo kung saan ay naka-collaborate niya si Iñigo sa kantang Through It All,  at ang coffee table book na In Transit.


Samantala, ibinahagi rin ng aktor ang kanyang pananaw tungkol sa pagtanda. Aminado siyang hindi maiiwasan ang paglipas ng panahon, ngunit nais pa rin niyang panatilihin ang kanyang youthful spirit at enthusiasm sa buhay.

“It’s inevitable. You’re going to have to get old. But I have this Peter Pan syndrome. I love feeling young,” aniya.


Dagdag pa niya, mahalaga para sa kanya ang mga aral at karanasang natamo niya sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ibig sabihin nito ay kailangan na niyang tumigil sa pag-explore at pagtanggap ng bagong opportunities.


“It feels good to have the knowledge that I’ve acquired through decades of my existence. But at the same time, I keep the young spirit within me, and I think that’s what makes me want to do more,” saad ni Papa P.

“So you never stop at 50,” pahayag pa ng aktor.





5 taon ang hinintay bago nag-propose…

RAYVER, EXCITED NANG MAGPLANO PARA SA KASAL NILA NI JULIE ANNE



Inamin ng Kapuso singer-aktres na si Julie Anne San Jose na wala siyang kaide-ideya na magpo-propose sa kanya ang boyfriend na si Rayver Cruz sa celebration ng kanilang 5th anniversary na ginanap nitong nakaraang Lunes, November 23. 


Sey ng aktres, ang buong akala raw niya ay simpleng anniversary date lang ang pupuntahan niya nang gabing iyon.


“Sa totoo lang, wala talaga akong idea kasi the previous days before s’ya mag-propose, sabi ko, ‘Ano kaya, saan kaya tayo sa anniversary?’” kuwento ng Asia’s Limitless Star sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras.


“And then, he was telling me na, ‘Oh, I got us a nice restaurant,’ ganyan- ganyan,” dagdag ni Julie.


Sinabi raw sa kanya ni Rayver na may dress code sa restaurant pero hindi pa rin siya nakahalata.


“Sabi ko, ‘Ah, okay.’ Baka medyo ano s’ya, medyo fancy. I wanted to dress casually. Pero sabi n’ya, ‘Hindi, magpalit ka, kasi may pupuntahan tayo. Kailangan, may dress code,’ ganyan. ‘Magpalit ka ng shoes,’” tsika pa ng singer-aktres.


Lagi rin daw siyang kinukulit ni Rayver kung ano ang isusuot niyang damit at sapatos.

“So, sabi ko, parang hmm… something’s different,” aniya.


Kuwento naman ni Rayver, wala rin daw kamalay-malay si Julie Anne na a month before his proposal ay kinausap na niya ang parents ng aktres para hingin ang kamay nito.


“‘Di rin n’ya alam na kinausap ko na ‘yung parents n’ya a month before. Malaki ‘yung respeto ko sa magulang, so lumapit talaga ako sa kanila. Sinabi ko kay Mama at Papa n’ya na ‘Tito, Tita, mahal na mahal ko po ‘yung anak n’yo, and kung hahayaan n’yo po ako, gusto ko po sanang hingin ‘yung kamay ng anak n’yo sa 5th anniversary namin,’” pagbabahagi ng aktor.


Sey pa niya, “Sobrang suwerte ko talaga na dumating si Julie sa buhay ko. And lagi ko namang sinasabi sa mga interviews na. . . ‘Pasensiya na, ha, du’n sa mga naiinip, pero alam ko naman na alam nila na si Julie talaga. Ever since sinasabi ko, si Julie talaga ang gusto kong makasama habambuhay and now, ‘yung dream ko na ‘yun, magiging reality na soon.”


Pagdating naman sa wedding plans, ayaw daw muna nilang magpa-pressure dahil gusto nilang i-enjoy ang proseso together.


“Sinasabi rin ng mga friends ko, and pati ni Rodjun (kapatid ni Rayver) na ‘Masaya ‘yan, Bro, enjoy-in n’yo, ‘wag kayong masyadong magpa-pressure, sit down together. Ang maganda kasi r’yan, going onwards, same na kayong magde-decide sa lahat, eh,’” ani Rayver.


May ilang dates na rin daw silang pinagpipilian para sa big day at sey ng aktor, “Excited na ‘ko sa planning para sa wedding.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page