May payo sa aktres… IAN, MASAYA NA IKAKASAL NA SI BEA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 26, 2026

Photo: IG _ianveneracion1 & FB Circulating
Nag-react si Ian Veneracion sa umano’y pagpapakasal na ni Bea Alonzo sa businessman boyfriend nitong si Vincent Co.
Bagama’t hindi pa hayagang kinukumpirma nina Bea at Vincent ang mga plano sa kasal sa May 16 sa Spain, lumitaw ang usap-usapan na ikinasal na sila sa Manila.
Nag-react naman si Ian, isa sa mga dating leading men ng aktres.
“Masayang-masaya ako para sa kanya. Super, super-happy para sa kanya,” aniya.
“Natutuwa ako na sa wakas ay nakahanap na s’ya ng taong may malalim na koneksiyon na gugustuhin n’yang makasama habambuhay. Galing!” pakli ng beteranong aktor.
Nagbigay din siya ng payo na ang kasal ang pinakamagandang bagay para sa isang babae.
Hindi raw madaling mapanatili ang isang relasyon sa isang taong iba ang kinalakihan. Lahat ng ito ay mahirap na trabaho, at mas magiging maayos lamang kapag sa wakas ay nagkaroon na sila ng sarili nilang mga anak.
Si Vincent Co ay lumaki sa mayamang pamilya, samantalang si Bea Alonzo ay nakamit ang kasaganahan sa buhay nang sumikat siya bilang isang artista.
Sey mo, Barbie?
RICHARD, UMAMING NAMI-MISS PA RIN SI ANGEL
Hindi nakalimutang batiin ni Richard Gutierrez sa isang video greeting si Angel Locsin nitong nakaraang April 23, 2026.
Binati ni Richard ang aktres sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang video message na ibinahagi sa kanyang opisyal na Facebook (FB) page.
Sa video, inamin ng aktor na matagal na rin mula noong huli silang nagkausap ni Angel. Ipinahayag niya ang kanyang wish para sa kaligayahan, mabuting kalusugan, at pangkalahatang tagumpay ng aktres.
Ani Richard, “Hi, Gel! Happy, happy birthday sa ‘yo. Kumusta ka na? Long time. Miss ka na namin lahat.
“Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. At wala akong hangad kundi kaligayahan at lahat ng pinakamahusay para sa ‘yo.”
Pagkatapos niyang bumati, inulit ni Richard ang damdamin ng pangungulila at tinapos ang kanyang mensahe sa isang huling hiling sa kanyang kaarawan.
Aniya, “We miss you, Gel. Happy birthday.”
Sina Angel Locsin at Richard Gutierrez ay nagkaroon ng kaugnayan noong kanilang younger days, ngunit nang magkahiwalay ay nanatili pa ring magkaibigan.




Comments