May paupahan pa para kumita… HERLENE, NIREGALUHAN NG MANAGER NG HOUSE & LOT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 12, 2022

May bagong uploaded video si Wilbert Tolentino, ang manager nina Madam Inutz at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, ang aspiring beauty queen na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022.
Bago pumasok sa PBB house si Madam Inutz, binigyan siya ng gift na house and lot ni Wilbert.
Ngayon, si Herlene naman ang sinorpresa ng manager-turned vlogger.
Sa bagong vlog ni Wilbert, aniya, “Itsitsika ko lang sa inyo, mga Ka-freshness, eto ay pang-motivation ko tulad ng ginawa ko kay Madam Inutz. Bago pumunta si Madam Inutz, pumasok sa PBB, ni-reward ko na sa kanya para win or lose, alam niya na may balur na siya.
“Kung si Madam Inutz, bago siya pumasok sa PBB, nagkaroon na siya ng bahay, si Hipon naman, bago naman siya pumasok sa BBP, meron din siyang bahay.”
Ang property ay may total area na 216 square meters. Isa itong bungalow type na two-storey apartment units.
Kuwento ni Hipon, sabi raw ni Wilbert, 'yung isang rental sa apartment ay pang-support na raw sa family niya para sa daily expenses.
Speechless naman si Hipon Girl sa bonggang house & lot na regalo ng kanyang talent manager.
Ang nasabing house and lot ay sa Angono, Rizal matatagpuan.
“Natupad din ang aking pangarap magka-house & lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino,” pasasalamat ni Herlene.
“Mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko d'yan, sobrang speechless po ako at overwhelmed," dugtong pa niya.





Comments