top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May part 2 pa raw… ROBIN, NAMUDMOD NG AYUDA SA MGA TAGA-SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 17, 2022




Ang daming showbiz workers ang pinasaya ni Sen. Robin Padilla sa ipinamahagi niyang financial assistance noong Huwebes. Sa pakikipagtulungan sa DSWD, ginanap ang distribution of financial assistance sa Quezon City Hall.


Kita ang tuwa ng mga tumanggap ng assistance at may nakausap kaming utility at stuntman na malaki ang pasasalamat kay Robin. Hindi raw sila kinalimutan ng aktor kahit senador na ito.


Ang kapatid ni Robin na si Rommel Padilla ang dumating sa distribution ng assistance at inakala ngang siya si Robin.


Ang narinig namin, magkakaroon ng isa pang distribution of financial assistance sa isang lugar sa Quezon City next week. Hindi muna namin sinabi kung saan at baka hindi matuloy.


Speaking of Robin, binalikan nito ang pagho-host sa kanyang show sa NET 25 na UNLAD: Kaagapay sa Hanapbuhay. Noong kampanya at mga unang buwan ng pag-upo niya bilang senador, ang asawang si Mariel Rodriguez muna ang pumalit sa kanyang mag-host. Ngayong naayos na ang kanyang schedule, balik na uli siya sa pagho-host ng show na marami ang natututunan ng mga viewers.


Anyway, napansin ng mga netizens ang magagandang isinusuot ni Robin kapag nasa Senado siya.


Gawa ‘yun sa local fabric at ang mga kaibigan niyang mananahi ang nagbibigay sa kanya.


May nabasa nga kami na pinasalamatan ni Robin si Sen. Loren Legarda na nagbigay din sa kanya ng mga isinusuot niya sa Senado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page