ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 8, 2023
Dear Chief Acosta,
Ang anak ko ay isang freshman student sa isang unibersidad dito sa aming probinsiya.
Sa kasamaang palad, nabaril siya ng security guard ng unibersidad. Isinugod siya sa ospital dahil sa sugat na natamo niya. Samantala, ipinaliwanag ng guwardiya na aksidente lang diumano ang nangyari. Maaari ba naming habulin ang unibersidad para mapanagot sa nangyari sa aking anak? – Melissa
Dear Melissa,
Sa kasong Joseph Saludaga vs. Far Eastern University and Edilberto C. De Jesus in his capacity as President of FEU, G.R. No. 179337, 30 April 2008, sa panulat ni Honorable Associate Justice Consuelo M. Ynares-Santiago, pinasyahan ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema ang mga sumusunod:
“It is undisputed that petitioner was enrolled as a sophomore law student in respondent FEU.
As such, there was created a contractual obligation between the two parties. On petitioner’s part, he was obliged to comply with the rules and regulations of the school. On the other hand, respondent FEU, as a learning institution is mandated to impart knowledge and equip its students with the necessary skills to pursue higher education or a profession. At the same time, it is obliged to ensure and take adequate steps to maintain peace and order within the campus.
x x x In the instant case, we find that, when petitioner was shot inside the campus by no less the security guard who was hired to maintain peace and secure the premises, there is a prima facie showing that respondents failed to comply with its obligation to provide a safe and secure environment to its students. x x x
After a thorough review of the records, we find that respondents failed to discharge the burden of proving that they exercised due diligence in providing a safe learning environment for their students. They failed to prove that they ensured that the guards assigned in the campus met the requirements stipulated in the Security Service Agreement. Indeed, certain documents about Galaxy were presented during trial; however, no evidence as to the qualifications of Rosete as a security guard for the university was offered. x x x
Article 1170 of the Civil Code provides that those who are negligent in the performance of their obligations are liable for damages. Accordingly, for breach of contract due to negligence in providing a safe learning environment, respondent FEU is liable to petitioner for damages.
It is essential in the award of damages that the claimant must have satisfactorily proven during the trial the existence of the factual basis of the damages and its causal connection to defendant's acts.”
Ayon sa nabanggit na kaso, kapag ang isang institusyong pang-akademiko ay tumatanggap ng mga mag-aaral for enrollment, mayroong naitatag na kontrata sa pagitan nila, na nagreresulta sa obligasyon na dapat sundin ng magkabilang panig. Kung kaya, ang paaralan ay nangangako na bigyan ang mag-aaral ng sapat na edukasyon upang magbigay sa kanya ng mga kinakailangang kasangkapan at kasanayan para ituloy ang mas mataas na edukasyon o isang propesyon. Sa kabilang banda, ang mag-aaral ay nangangako na susundin ang mga tuntunin at regulasyon ng paaralan.
Gayundin, dapat matugunan ng nasabing institusyon ang obligasyon nitong makapagbigay sa kanilang mag-aaral ng kapaligiran na nagtataguyod o tumutulong sa pagkamit ng pangunahing gawain nito sa pagbibigay ng kaalaman. Kinakailangang tiyakin ng paaralan na ang mga sapat na hakbang ay gagawin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng kampus at upang maiwasan ang pagkasira nito.
Sa iyong sitwasyon, ang unibersidad, kung saan naka-enroll ang iyong anak, ay obligadong tiyakin at gumawa ng sapat na mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng kampus. Alinsunod sa kasong tinalakay sa itaas, nang mabaril ang iyong anak sa loob ng campus ng isang security guard na kinuha para mapanatili ang kapayapaan at magbigay ng seguridad, ito ay nagpapakita na ang unibersidad ay nabigong sumunod sa obligasyon nitong magbigay ng isang ligtas na kapaligiran sa mga mag-aaral nito – maliban kung mapatutunayan ng unibersidad na nagsagawa sila ng angkop na pagsisikap sa pagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa kanilang mga mag-aaral. Para sa paglabag sa nasabing kontrata, dahil sa kapabayaan, ang unibersidad ay maaaring managot para sa mga pinsalang natamo ng iyong anak.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments