top of page

May pananagutan ba ang ina sa pagkamatay ng bata sa kanyang sinapupunan?

  • BULGAR
  • Jul 5, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 5, 2022


Dear Chief Acosta,


Nag-away kaming mag-asawa na umabot sa sakitan at tulakan hanggang sa malaglag ako pababa ng hagdanan dahilan ng pagkakalaglag ng bata sa aking sinapupunan. May pananagutan ba siya sa pagkamatay ng bata sa aking sinapupunan? - Lea


Dear Lea,


Para sa iyong kaalaman, ayon sa Artikulo 257 ng Revised Penal Cocde of the Philippines, may pananagutan ang taong nanakit sa isang babaeng buntis na naging dahilan ng pagkakalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan. Ayon sa nasabing batas:


“Art. 257. Unintentional abortion. — The penalty of prision correccional in its minimum and medium period shall be imposed upon any person who shall cause an abortion by violence, but unintentionally.” (Binigyang-diin)


Inilahad din ito sa desisyon ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng People of the Philippines vs. Filomeno Salufrania (G.R. No. L-50884, 30 March 1988) na isinulat ni Dating Kasamang Mahistrado Teodoro Padilla, kung saan nakasaad:

“The elements of Unintentional Abortion are as follows:


1. That there is a pregnant woman.

2. That violence is used upon such pregnant woman without intending an abortion.

3. That the violence is intentionally exerted.

4. That as a result of the violence the foetus dies, either in the womb or after having been expelled therefrom.”


Samakatwid, ang paggamit ng karahasan sa buntis na magreresulta sa pagkalaglag o pagkamatay ng kanyang anak nang hindi sinasadya ay krimen na ang tawag ay unintentional abortion. Sa iyong sitwasyon, sa kadahilanang intensyonal o sinadya ang pananakit sa iyo ng iyong asawa, kahit pa hindi naman niya sinasadya na malaglag ang bata sa iyong sinapupunan, maaari siyang magkaroon ng pananagutan para sa kasong unintentional abortion.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page