May pa-libreng sakay na, hinihiritan pa ng bigas… WILLIE, INAABUSO NA NG MGA PINOY
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 12, 2026

Photo: Willie Revillame - Willyonaryo FB
Iba rin ang trip ng ilang netizens dahil hinihiritan pa si Willie Revillame ng libreng bigas bukod sa alay nitong libreng sakay sa mga kababayan dahil sa taas ng presyo ng gasolina.
Ito rin ang puna ng maraming kababayan na tinalakay nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika kahapon sa online show nilang Cristy Ferminute (CFM) na napapanood sa OnePH YouTube (YT) channel.
“Si Willie Revillame po ay mayroon siyang Wilyonaryo Libreng Sakay, ito po ay tatakbo na at inaayos na lang ang mga papeles ang anim na minibus.
“Ngayon, ang inihihirit naman ng mga kababayan natin ay libreng bigas daw, ano ang masasabi mo rito, Romel?” tanong ni ‘Nay Cristy.
“Ay, naku, ‘pag nakarating kay Kuya Wil ‘yan, baka ibigay kasi ‘yung ‘di nga hinihiling ay ibinibigay,” say ni Romel Chika.
Iba naman ang punto de vista ng mga netizens na binasa ni ‘Nay Cristy:
“Sinasabi naman ng mga kababayan natin na ibinigay na nga sa inyo ang daliri, gusto n’yo pang kunin ang buong katawan.”
“Aba’y may libreng sakay na nga at kung pipiliin naman ni Willie ang pagtulong sa libreng bigas, teka naman muna. Although kaya naman n’ya, kayang-kaya n’yang ibigay. Kaya lang, ‘di ba, binigyan na po tayo ng libreng sakay, eh, ‘wag na po nating ihirit ang libreng bigas. ‘Di naman po gobyerno si Willie Revillame na may pondo para d’yan. ‘Di s’ya dapat ang hilingan natin ng ganyan.”
Mula ulit sa CFMers, “Maganda ang tumulong pero sana, ‘wag nating sanayin ang ating mga sarili na laging nakadepende sa hirit o hingi. Respeto na lang din sa mga taong tumutulong na nang kusa.”
Komento pa ng loyal listener ng CFM mula sa London na si Wating-Wating: “Saludo po ako kay Kuya Wil, pero bigas request, hellooo. Marami pa namang residente sa Pilipinas, that’s not fair, makiramdam naman ang iba r’yan.”
Halos iisa rin ang komento ng nabasa namin sa YT ng Cristy Ferminute na agree sila sa sinabi ng ilang kababayan na hindi makuntento ang ibang Pinoy sa tulong ni Willie Revillame.
Ganyan ang ilang kababayan natin, hindi marunong makuntento, abusado.
First time kung kelan nagkaedad…
AIKO, NAKAGAWA NG KANTA SA SOBRANG IN LOVE KAY ONEMIG
Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pagmamahal dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang namin nakitang sobrang inspirado at saya ni Konsehala Aiko Melendez base sa mga ipino-post niya sa kanyang social media accounts.
Ibang-iba kasi ang mga nilalaman ng socmed niya ngayong karelasyon niya si Onemig Bondoc, pawang positive vibes, at kung kailan siya nagkaedad ay heto nakapagsulat ng sariling kanta na siya rin mismo ang magre-record nito.
Inamin ng konsehala ng ika-limang distrito ng Quezon City na bagong stage na naman ng buhay niya ito.
Base sa caption ni Aiko sa kanyang larawang nasa isang recording studio na ipinost niya sa Instagram (IG):
“Another milestone unlocked! (emojis musical notes), I just finished recording my newest song this afternoon which I wrote too and my heart is so full. This project is truly special to me not just because of the music, but because of the incredible people who helped bring it to life.
“Musical arrangement was beautifully crafted by none other than Sir @marvinq of Neo Colors, whose artistry and passion elevated the song to another level. And of course, I’m beyond grateful to my amazing vocal coach, Ms. @mommyolive, for guiding me every step of the way and helping me give my best in the studio.
“This is just the beginning… because we’re taking it even further! We’re set to shoot the official music video soon, to be directed by @tomnava and I honestly can’t wait for all of you to see and feel what we’ve created.
“Excited, nervous, and grateful all at once. Malapit na… and I hope this song finds a place in your hearts. (emojis heart and mic).”
Napakaraming bumating netizens at mga kaibigan ni Aiko sa bagong project niya at inakala ng iba na ang anak niyang si Marthena ang kakanta, pero ang nanay pala.




Comments