top of page
Search
  • BULGAR

May pa-akbay pa, Alexa! YASSI, SUPER-LAGKIT NG TINGIN KAY SANDRO HABANG KINAKANTAHAN

ni Nitz Miralles @Bida | July 29, 2023



Pati kami ay natawa sa mga comments sa TikTok entry ni Josep Araneta na magkasama sina Cong. Sandro Marcos at Yassi Pressman. May mga kinilig sa mga eksena ng dalawa na makikitang nakaakbay si Yassi kay Sandro.


At nang kumanta naman si Yassi ay parang si Sandro ang kanyang kinakantahan dahil ang lagkit ng titig nito.


May nagtanong kung alam ba ni Sandro na sa last election, si Leni Robredo ang sinuportahan ni Yassi na nakalaban ng ama niyang si President Bongbong Marcos.


Ang mga netizens ang nakaalala sa panahong ‘yun, pero obvious na nakapag-move on na sina Sandro at Yassi. May nagsabi ring pina-practice nila ang panawagang unity.


Inunahan na rin ng mga netizens sina Sandro at Yassi, bagay daw sila at parehong masaya na magkasama, kaya magdya-jive ang dalawa. May mga bumawi lang sa mga nagsabing bagay ang dalawa nang maalalang may boyfriend na si Yassi at si Sandro naman ay nali-link kay Alexa Miro.


Pero malay nating lahat at biglang may gumalaw sa baso at magbago ang takbo ng love life ng dalawa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page