May nagpapasaya na sa Tate, Paolo… LJ, 'DI NA BABALIK NG 'PINAS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 2, 2021

Mukhang wala nang balak na bumalik ng 'Pinas ang Kapuso actress na si LJ Reyes dahil sa kanyang post recently sa social media.
Ipinakita niya ang kanyang pagpaparehistro upang makaboto siya sa darating na 2022 elections. Kaya, posibleng hindi na muna siya uuwi ng 'Pinas till next year at sa New York na boboto.
May pagkakaabalahan naman sa NY si LJ. May trabaho na siya ru'n at tumutulong din siya sa coffee shop ng kanyang ate na nasa Brooklyn, New York.
Makikita sa aura ngayon ni LJ na unti-unti na siyang nakaka-move on. Nagkita-kita na sila ng mga dati niyang kaibigan sa NY. Sila ang nagpapasaya ngayon sa aktres at kapiling pa niya ang kanyang mommy at mga kapatid.
Hindi rin nanibago sa USA ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer. Tiyak na magiging masaya ang darating na Pasko sa kanilang mag-iina.
Marami sa mga kaibigan at co-stars ni LJ ang humahanga sa katatagan ng kanyang loob. Hindi nagpakamartir si LJ sa kabila ng mga dinanas niyang kabiguan sa pag-ibig. Nakaya niya ang hamon ng pagiging single mom.





Comments