top of page
Ellen Adarna - IG.jpg

May nagkalat na nakasabay sa ospital… SARAH, ‘DI PA RIN UMAAMING BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
3 min read

Updated: 5 hours ago

ni Nitz Miralles @Bida | October 24, 2026



Sarah Geronimo - FB

Photo: Sarah Geronimo - FB



Isang post sa X (dating Twitter) ang umani ng iba’t ibang reaksiyon.

Sabi ng post (as is), “So kasabay namin sa labor sina Sarah G.”


Parang ipinapahiwatig ng post na nasa ospital ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at nagle-labor na. Ibig sabihin, manganganak na.


Ang bilis ng reaksiyon ng mga nakabasa sa post. Paano raw ito magle-labor, hindi pa nga ina-announce na pregnant siya? 


May nag-comment naman na sa status nina Sarah at Matteo, kung manganganak man ito, tiyak na sa private room ito magtse-check-in.


Hirit pa ng isa, hindi pa nga lumalaki ang tiyan nito, although ipinipilit ng iba na may baby bump na ito. 


May nagsabi pa na parang five months pa lang ang ipinagbubuntis ni Sarah (kung totoo). Ibig sabihin, four months pa bago siya manganak.


Banggit naman ng isang fan, Sarah looks pregnant in her latest photo with Matteo, pero hindi pa siya manganganak. Ang tinukoy na photo ay kuha sa birthday party ng nieces ni Matteo. Kayo na ang magsabi kung she indeed looks pregnant.


Para pare-pareho tayong hindi ma-fake news, wait na lang tayo ng update.





ANG lakas talaga sa fans ng Cup of Joe (COJ) dahil suportado ang lahat ng kanilang ganap. Ang dapat sana ay one-night Symphony concert nila ay naging two-night concert. Baka naging three-night pa kung libre ang Smart Araneta Coliseum.


Fifth major concert na ng COJ ang Symphony, na nakatakda sa December 3 at 4, directed by Paolo Valenciano and produced by Viva Live.


Iba ang concept ng concert at iba ang vision. Ipapakita rin ng band members ang kanilang maturity sa kanilang music, dahilan para kunin nila ang 30-piece Orchestra of Filipino Youth bilang kanilang guest. To be announced kung may iba pang guest. Stay tuned!


“Na-realize namin, malapit na kaming mag-30, time to level up,” says Gian Bernardino.


Para kina Rapha Rossi, Gab Fernandez, CJ Fernandez, at Xen Gareza, ang upcoming concert nila ay fusion ng performing arts, films and music.


Well, grateful ang COJ sa muling pagso-sold-out ng kanilang concert.

Pahayag nila, “Salamat sa Joewahs (name ng kanilang fandom) for always supporting us, for the casual fans and the press.”


Samantala, isinumite ng COJ ang song nilang Sandali sa Grammy selection committee for consideration to compete in the Best Asian Pop Performance category.





Khalil, todo-tanggol sa GF…GABBI, NAG-INGAY DAW SA TRAIN SA JAPAN, NA-BASH



SINAGOT na ng aktres na si Gabbi Garcia kasama ang kanyang BF na si Khalil Ramos ang pagko-call-out sa kanya na maingay habang nasa train sa Japan.

Paninita ng netizen, “‘Di ba disrespectful sa culture nila? Like mag-usap sa public transpo?” at “Disrespectful.”


Sagot ni Gabbi, “Guys, relax. It was literally 3-5 seconds. Hahaha! And maingay din talaga sa train. Modulated and nakalapit lang ‘yung phone sa ‘kin kaya malakas. Kung maka-react kayo, akala mo naman, nagsisigaw ako sa train.”


Sabi naman ni Khalil, “Sana na-video-han ko rin ‘yung dagsaan ng mga teenagers papuntang Universal Studios na ang tataas ng boses. Kung maka-comment iba rito na nag-school ng Japanese culture. Cultured na kayo n’yan?”


May mga nagtanggol kay Gabbi dahil maingay naman daw sa loob ng train. Sandali lang naman ang ginawa ni Gabbi; nag-voice-over siya para sa Pinoy Big Brother (PBB) na malapit na ang airing sa GMA-7.


Hopefully, after ng post na ito nina Gabbi at Khalil, nabawasan ang pamba-bash sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page