May movie kasama si Julia… HIWALAYANG CARLO AT MADIR NG ANAK, GIMIK LANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 20, 2022

Maugong nga ang balitang hiwalay na rin si Carlo Aquino at ang live-in partner niyang model na si Trina Candaza. Three years na ang kanilang relasyon at may anak silang baby girl.
Bigla na lang daw silang nag-unfollow sa isa't isa sa social media. Kaya, marami ang nag-akalang hiwalay na nga sila.
Pero, walang official statement tungkol dito. For sure, mayroon silang agreement o kontrata sa mga endorsements na kanilang tinanggap kaya hindi nila maamin sa publiko ang tunay na status nila ngayon.
May mga nagsasabi naman na nag-iingay lang ngayon ang kampo ni Carlo Aquino tungkol sa "hiwalayan issue” dahil may movie silang pagtatambalan ni Julia Barretto produced ng Viva Films. Kailangan daw na laging in the news ngayon si Carlo upang magkainteres ang publiko sa movie nila ni Julia B.
Well, pasasaan ba at lilitaw din ang katotohanan at aamin sila. Hindi naman puwedeng itago nang matagal ni Carlo at ng kanyang GF ang real score sa kanilang relasyon ngayon.
Ang pag-iinteresang malaman ng lahat ay kung may third party ba sa kanilang breakup. Hindi kaya gimmick lang ito para i-boost ang career ni Carlo Aquino?
'Yan ang aabangan ng mga Marites sa showbiz!





Comments