May mansion na, nabibili pa lahat ng gusto… KRIS, BUHAY-REYNA SA MISTER
- BULGAR

- Aug 1
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 1, 2025
Photo File:Kris Bernal - IG
Ang bongga-bongga ng aura ngayon ni Kris Bernal habang nagbabakasyon sa New York, USA ang kanyang mister at ang kanilang baby girl. Sosyal na sosyal si Kris Bernal na New Yorker na ang peg. Kahit pansamantala niyang iniwan ang showbiz, wala namang regrets si Kris Bernal dahil masaya siya sa pinili niyang buhay. Naibibigay ng kanyang mister ang lahat ng kanyang pangangailangan. Naipagpatayo siya ng isang mansion at nabibili ang mga material things na gusto niya.
Na-miss ni Kris Bernal ang pag-arte pero prayoridad niya ngayon ang kanyang pamilya. Mabait at very supportive rin ang kanyang hubby.
Maging ang mga fans ni Kris Bernal ay nagsasabing napakasuwerte niya sa kanyang married life! Hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaking pakakasalan. Secured na ang future nila ng kanyang anak.
TODO-REACT ang mga fans ni Barbie Forteza sa balitang si Jillian Ward ang ipapareha kay David Licauco sa bagong action-drama series ng GMA-7, ang Never Say Die. Star-studded ang serye at kasama rito sina Raymart Santiago, Gina Alajar, Richard Yap, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Raheel Bhyria at ang Korean actor na si Kim Ji Soo.
Mapapasabak sa mga action scenes si David Licauco at panibagong hamon ito sa kanyang kakayanan.
Samantala, nagtatanong naman ang mga BarDa fans kung may slant daw ng romance sa pagtatambal nina Jillian at David sa Never Say Die? For sure, ‘yun ang babantayan ng mga fans.
Si Barbie Forteza naman ay ipinareha kay Sam Concepcion sa seryeng Beauty Empire. Pero, hindi gaanong naalarma ang BarDa fans.
Pakiusap ng mga fans nina Barbie at David sa GMA Network, ‘wag namang tuluyang buwagin ang tambalang BarDa. Sila ang nagsisilbing inspirasyon nila ngayon.
,,,,,,,
DIVORCED na si Max Collins sa kanyang mister na si Pancho Magno. Tuluyan na rin siyang naka-move on sa kanilang paghihiwalay.
Balitang nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Max Collins, pero hindi pa niya ito inilalantad sa publiko.
Hindi naman madali para kay Pancho na tanggapin na may bago nang pag-ibig ang kanyang ex-wife na si Max Collins. Tunay ang kanilang pagmamahalan noon at si Skye ang pinakamagandang bagay na dumating sa kanilang buhay.
Five years old na ngayon si Skye at co-parenting ang naging agreement nila ni Max.
Wala pang bagong pag-ibig na ipinakikilala si Pancho Magno. Hindi raw siya nagmamadali na pumasok sa bagong relasyon. Gusto niyang mag-concentrate sa kanyang career. At masaya naman siya kapag kasama ang anak na si Skye.
FIRST love pala ni Jessy Mendiola ang aktor na si JM De Guzman. At sobra siyang nasaktan nang sila ay mag-break.
Marami raw memories na bumabalik kay Jessy kapag naaalala niya si JM de Guzman. Pero marami ang nagsasabing blessing in disguise na hindi sila nagkatuluyan ni JM.
Si Luis Manzano pala ang sadyang nakalaan para sa kanya. Kaya nagkaroon siya ng cute at lovable na Baby Peanut.
Well, kung minsan, likas na mapagbiro ang tadhana. Ang taong akala mo ay siyang “the one” na ay nawawala pa.
Napunta naman sa maganda ang buhay ni Jessy Mendiola nang si Luis Manzano ang pinili niyang pakasalan. At marami ang nagsasabing mas gumanda ngayon at blooming si Jessy. Pinayagan din siya ni Luis na balikan ang kanyang acting career kaya happy siya.










Comments