May LQ lang daw, 'di break… MACKY, NAG-FOLLOW ULI KAY SUNSHINE, PICTURE RIN NILA ANG DP SA IG
ni Nitz Miralles - @Bida | September 28, 2022

Nagtatanong ang mga netizens kung ano ang nauna sa latest move nina Sunshine Cruz at Macky Mathay.
Nauna raw ba ang pagba-viral ng video ni Sunshine na kinakanta ang Someone That I Used To Love o ‘yung muling pagpa-follow ni Macky sa aktres sa Instagram account nito?
Ang feeling nga ng mga netizens, para kay Macky ang kanta na ‘yun ni Sunshine dahil nga sa balitang breakup nila.
Bago ito kumanta, nag-dialogue muna na first time niyang kakantahin ang Natalie Cole hit na nakita lang daw niya sa Spotify. Milyon ang inabot ng views ng nasabing video.
Si Macky naman, bukod sa muling pagpa-follow kay Sunshine sa IG, picture rin nilang dalawa ang nakalagay sa display picture o DP niya. Iniisip tuloy ng mga netizens na baka may LQ lang ang dalawa at hindi talaga break.





Comments