top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

May limit ang gobyerno sa mga babakunahang Pinoy, sa pangungurakot, wala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 15, 2020



LIBRE SA BAKUNA ANG LAHAT NG MAMAMAYAN SA IBANG BANSA, PERO SA ‘PINAS, HINDI—Kinontra ng Malacañang ang isinulong na panukala ni detained Sen. Leila de Lima na gawing libre ang COVID-19 vaccines sa lahat ng Pilipino dahil ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ay kalabisan daw ito.


Pambihira, eh, sa ibang bansa ay ililibre nila sa bakuna ang lahat ng kanilang mamamayan, tapos sa Pilipinas ay hindi?


Tama si De Lima, gawing libre ang bakuna ng mga Pinoy dahil lahat tayo ay nagbabayad ng tax, na ulitimo maralita at pulubi, kapag may binili ang mga ‘yan ay may ambag na sila sa tax, period!


◘◘◘


LIMITADO ANG MGA PINOY NA BABAKUNAHAN, PERO SA PANGUNGURAKOT, UNLI—Hindi katanggap-tanggap sa publiko ang sinabi ni Roque na kalabisan ang hirit ni De Lima na pabakunahan ang mga Pilipino.


Mantakin ninyong may limit sa bilang ang mga babakunahang Pinoy at bahala na ang ibang mamamayan na gumastos sa kanilang bakuna, pero ang pangungurakot ng mga buwaya sa pamahalaan, ay walang limit, mga buwisit!


◘◘◘


MANGUNGUTANG NA NAMAN KAYA ANG DUTERTE GOV’T. PAMBILI NG PANG-MASS TESTING?—Ang sabi ni P-Duterte ay ngayon lang niya napagtanto na importante pala ang mass testing sa laban kontra COVID-19.


Hindi kaya dahilan lang niya ito para muling makautang sa World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF) at sa ibang bansa? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page