May koleksiyon ng race car… JOMARI, 2 KOTSE NA ANG IBINIGAY SA ANAK NI AIKO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 2, 2022

Nahihiya pa kuno si Jomari Yllana sa pag-amin na "Less than 10" ang kanyang collection ng racing cars nang makapanayam namin sa face-to-face mediacon ng Yllana Racing last Friday, pero sinabi rin naman niya.
Bagets pa si Jom, around 15 yrs. old daw siguro, nu'ng magsimula siyang mangarera at lumaban hanggang sa ibang bansa, kung saan naging Rookie of the Year (1st runner-up, Toyota Corolla Cup) siya nu'ng 1996.
Namana naman ng kanyang anak kay Aiko Melendez na si Andre Yllana ang hilig sa car racing ni Jomari kaya kahit dini-discourage sana ni Jom ang anak dahil hindi lang daw hobby ang pangangarera kundi kailangang maging professional sa ganitong larangan, hindi nagpapigil si Andre.
Kaya naman nu'ng 18th birthday ni Andre, gift sa kanya ni Jomari ang first car na ginamit nito sa pangangarera na nanalo. Napakaimportante raw kay Jomari ng racing car na 'yun at bale 'yun na rin ang pamana niya kay Andre.
Nu'ng mag-graduate naman daw sa college si Andre, binigyan din ito ni Jomari ng isa pang kotse na hindi na nito sinabi kung magkano, pero ang mahalaga, may something siyang ibinibigay sa anak kahit hindi man sila madalas mag-bonding.
Well, abangan natin kung isa si Andre sa mga sasali sa Yllana Racing na magaganap sa Nov. 5 and 6 sa Subic Bay Freeport kung saan si Jomari nga ang team principal.





Comments