May kapalit naman daw ‘yun… KATHRYN, WALANG BALAK MAGHIGANTI KAHIT NILOKO NI DANIEL
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 20, 2024

May post sa social media si Kathryn Bernardo tungkol sa “revenge” o paghihiganti. Hindi raw kasi siya ang tipo ng tao na mapaghiganti sa sinuman na may atraso at nanloko sa kanya. Mas gusto niyang manahimik at ‘wag sayangin ang kanyang oras sa pagiging bitter.
Kapag galit siya sa taong may atraso, lalo ‘yung mga taong kanyang pinagkakatiwalaan na tinraydor siya, idinadaan niya sa pananahimik. Hindi siya confrontational. Hindi siya agad rumeresbak kapag galit siya.
Ngayong nabunyag na sa lahat ang pambababae raw ni Daniel Padilla na humantong sa paghihiwalay nila, may mga nag-advise kay Kath na gumanti at makipag-showdown sa ex-BF sa ginawa nitong panloloko sa kanya.
Pero iba ang diskarte ni Kathryn sa aspetong ito. Mas gusto niyang manahimik na lang at mag-focus sa mas mahahalagang bagay. Tutal, natanggap na niya ang lahat at handa na siyang mag-move on sa bagong chapter ng kanyang buhay.
Naniniwala si Kathryn na kahit hindi siya maghiganti, may kapalit ‘yun sa mga taong nanloko at nanakit sa kanya. Basta may peace of mind siya at payapa ang kanyang kalooban.





Comments