top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

May kani-kanyang dyowa na… KYLIE, ATAT NANG MAG-DIVORCE SILA NI ALJUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2023
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 28, 2023





Kakaibang pelikula para sa Kapuso actress na si Kylie Padilla ang Unravel kung saan ang leading man niya rito ay si Gerald Anderson.


Sa Switzerland kinunan ang mga eksena sa pelikula at ito ay sa direksiyon ni RC delos Reyes. Ang pelikulang ito ay joint venture ng Star Magic Films at MavX Productions.



Ayon sa kuwento ni Kylie sa isang interview, buwis-buhay ang mga eksenang ginawa niya sa Unravel kasama ang aktor na si Gerald.


Ang hindi raw niya makakalimutang eksena rito ay ang skydiving na hindi niya akalain na kaya pala niyang gawin.


Talagang mahirap at challenging ang bagong experience na ito para kay Kylie. Pero, nilabanan niya ang takot para mapagtagumpayan ang mga eksena sa pelikula.


Mukha ngang patungo na sa linya ng action ang career ni Kylie, kaya hanggang sa kanyang character sa Mga Lihim ni Urduja ay makikitang puro action scenes na ang ginagawa nito.


Pagkatapos daw ng kanyang mga nagawa sa Unravel movie, pakiramdam ni Kylie ay kaya na niyang gawin at malagpasan ang kahit na ano pang mahihirap na kabanata sa kanyang buhay.


Idinaan na lang niya sa biro ang pagsabi nito na may isang bagay pa siyang hindi napagtatagumpayan — at ito nga ay ang divorce nila ng kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica.


Well, open naman si Kylie sa kanyang pagsuporta sa Divorce Bill na isinusulong na ngayon ng ilang mambabatas sa Senado.


At kapag na-grant na ang Divorce Bill dito sa 'Pinas ay sana, tuluyan na ngang makalaya si Kylie kay Aljur.


Kung masaya na si Aljur dahil may AJ Raval na siya sa kanyang buhay, may love life na rin ngayon si Kylie at hindi naman niya ito itinatago sa publiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page