May kandungan pa! DOMINIC AT BEA, SA MUSEUM NAGLAMBINGAN
ni Nitz Miralles - @Bida |February 1, 2022

Sa Pinto Art Museum isinelebreyt nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang first anniversary nila as a couple at sa nag-viral na video, kita ang sweetness ng dalawa.
Sa mga nagko-comment na si Bea lang ang sweet kay Dominic, watch the video at kikiligin din kayo gaya ng mga fans ng dalawa.
Sa video, hinila ni Dominic si Bea para umupo sa lap niya at nagpaka-sweet na ang dalawa.
Nanghinayang ang BeaDom fans dahil putol ang video, kaya ang request nila, i-post ng magdyowa ang iba pa nilang mga larawang kuha sa Pinto Art Museum at ‘wag daw silang bitinin.
And speaking of Bea, mukha ngang matutuloy na ang shooting nila ni Alden Richards ng movie nilang Special Memory dahil sinunud-sunod ng aktres ang TVC shoot ng new endorsements niya.
Sa parte ni Alden, tapos na ang ForwARd docu concert nito, at wala na siyang ibang projects.
Naiinip na ang mga fans nina Bea at Alden, gawin na raw ng dalawa ang pelikula para magawa na rin ang drama series nila.





Comments