May “K” makatulong sa maliliit na negosyante kung sinuman ang manalo kina BBM at Leni
ni Fely Ng - @Bulgarific | February 26 , 2022

Hello, Bulgarians! Dahil MSMEs ang bumubuo ng 99.5 porsiyento ng mga negosyo at lumilikha ng milyun-milyong trabaho para sa mga Pilipino, mahalaga ang pagpili ng susunod na Pangulo ng Pilipinas para sa milyun-milyong maliliit na entrepreneurs.
Sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion, na naghain sina Sen. Bongbong Marcos at Vice-President Leni Robredo ng mga tiyak na plano para sa kapakinabangan ng maliliit na negosyante.
“Judging from the platforms they have presented, in the media and on Go Negosyo’s Kandidatalks forum, both of them prioritize the development of the MSME sector,” wika niya, partikular na tinukoy ni Concepcion ang mga plano nina Marcos at Robredo na tulungan ang MSMEs na makakuha ng mas madaling access sa puhunan.
“I am very hopeful that should either one become the next President of the Philippines, it will be good news for our small entrepreneurs. Big corporations were able to weather the pandemic, but in terms of the country’s economic recovery, they cannot do it alone. We need everybody to be healthy to be able to fully recover from the pandemic,” wika niya.
Ipinaliwanag niyang dahil mayorya ng mga negosyo sa bansa ay maliliit na entrepreneurs, mahalaga para sa ekonomiya ng bansa na sila’y muling makabangon.
Sa Kandidatalks forum na ginawa noong nakaraang taon, kapwa ibinahagi nina Marcos at Robredo sa Go Negosyo ang kanilang plano para sa MSMEs kung sakaling manalo bilang susunod na Pangulo. Mula noon, paulit-ulit na binanggit ng dalawang kandidato ang kanilang mga plano sa media at iba pang pampublikong pagtitipon.
Idinagdag pa ni Concepcion na parehong ipinahayag nina Marcos at Robredo kung paano maihahanay ang kanilang plataporma para sa MSMEs sa Go Negosyo, ang non-profit na kanyang itinatag para maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagsusulong ng entrepreneurship sa mga Pilipino.
Naobserbahan ni Concepcion na batid ng dalawang kandidato ang malaking potensiyal ng MSMEs sa pagbura sa kahirapan, pagsusulong ng pag-unlad at pantay na pagkakataon sa lahat.
“I think it will be a top agenda, whoever wins, and one of the biggest challenges that we face is the level of poverty in this country,” wika niya. “To create prosperity for every Filipino, MSMEs have to be among the top focus of the next administration.”
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments