May Jeremy na raw, Joshua target pa… PIA, NANGONGOLEKTA NG LALAKI, SINOPLA NG NETIZENS
- BULGAR
- Oct 13, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 13, 2022

'Kaaliw ang palitan ng convo ni Pia Wurtzbach at ng mga netizens na nag-react sa tweet niyang: “Nag-open ako ulit ng Tiktok para lang dito,” at ipinakita ang TikTok ni Joshua Garcia.
Mabilis ang reaction ng mga netizens sa tweet na ‘yun ni Pia at biniro ang beauty queen na nakikipila para kay Joshua.
Sa sumagot sa comments section ng “NOT MISS PIA WURTZBACH TOO,” marami ang nag-reply at nakatutuwang basahin ang mga comments, gaya ng “Walang MissU dito, Madam.
Sa likod po 'yung start ng pila,” “ENGAGED KA NA, PLS. 'WAG MAG-HOARD NG LALAKI, MADAM,” “Ms. Pia, ano po ang line number n'yo? Sana po, lumugar ka naman.”
Sumagot si Pia ng “Curious lang naman ako. 'Wag na kayong magalit. Aware naman ako sa pila.
Haha!” kaya lalong naging lively ang convo.
May nagpaalala kasi kay Pia na tapos na ang pila dahil nga sa balitang girlfriend na ni Joshua ang vlogger na si Bella Racelis.
Ipinaalala rin kay Pia na may Jeremy Jauncey na siya kaya ‘wag na raw makisali pa sa pila para kay Joshua.
May pumuri naman sa pagiging game ni Pia at ito raw ang isa sa mga rason kung bakit she is the most relatable PH queen “or Miss Universe rather to ever exist.”





Comments